Pregnant Student
Hello po isa po akong grade11 at nag aaral parin po ako ng face to face class kahit na malaki na tiyan ko hanggang sa nilipat ako sa modular kahit daw baka mapano yung baby ko .Gusto ko lng po ng advice kasi po hindi po ako makatulog sa kakaisip bakit ang baba ng mga grades na ibinigay saaken .Kahit masama po pakiramdam ko nag eeffort parin po akong basahin isa isa yung modular ko at pinagpupuyatan ko pong sagutan lahat as in lahat lahat po at natatapos at napapasa ko po yun ng advance at kahit mga teachers ko nga po nagugulat ksi natatapos ko daw kaagad sagutan modular ko sobrang advance ko daw .Tpos nong f2f ako ang tataas din ng score na nakukuha ko at halos ako nga lng ang nag rerecite sa school .Nag tanong po ako sa teacher ko kung bakit ganun kababa yung grades ko hindi po dahil sa nagrereklamo ako dahil gusto ko pong malaman para namn sasusunod mas gagalingan ko pero sinabihan lng ako na wag nalang daw ako mag demand ksi daw hindi naman daw ako nag f2f class buti nga raw pinayagan ako mag modular at kinonsider nalang daw yung grades ko dahil buntis ako . 81 ,82 po yung grades na binigay saken tpos yung iba wala akong grades kasi busy daw sila ..
teacher asawa ko sa senior high and college. napaka unfair naman ng teachers mo. you go to higher position to ask. like supervisor and principal para makarating yung concern mo. at nang sa ganun.. ipakita nila record and computation paano nila nacompute ang ganung grade.. atsaka ikaw, bilang batang ina. magkontrol ka. mahirap magpalaki ng anak. wag mo muna agad susundan yan. magtake ng pills, condom si lip/bf mo para kapag kaya mo na maiwan ang baby, makapagwork ka din. wag ka magparami. kasi karamihan sa mga maagang nagbubuntis, wala pang 30yrs old naka apat or limang anak na. sunod sunod.. aba'y sa hirap ng buhay ngayon at taas ng bilihin baka di kayanin paaralin hanggang college ang anak.. kaya importante din talaga sex education. para yung mga tulad mong teenager maiwasan ang teenage pregnancy or unwanted pregnancies.. kasi dapat ang focus nyo sa ganyang age ay makatapos ng pag-aaral.. para ng sa ganun, makapag give back din muna sa parents bago lumagay sa pagpapamilya..
Magbasa paMalinaw na discrimination yan. Nagagawa nga nila grades ng classmates mo yung sau hindi? Dapat dahil sa consideration ay gumawa sila ng way kung anong gagawin mo para mapunan yung f2f participation. Hindi ko maintindigan kung anong nasa utak ng ibang teachers ngayon. Nung panahon namin 1st year high school ako, may mga 4th year students (graduating) na buntis at never silang ginanyan. May grumaduate pa nga with honors. Magsama ka ng parent/guardian at pumunta kayo sa head at alamin kung ano ba talagang problema nila sau at kung anong solution ang maiooffer nila na dapat mong gawin. Be strong bebe. Naiiyak ako kasi may anak ako na kasing age mo. Kapag nanganak ka na, alagaan mo ang anak mo. Lifetime obligation na yan kaya magpakatatag ka. Mag-aral ka ulit kapag kaya mo na. Ipaglaban mo ang grades mo. Hugs para sayo♥️
Magbasa paHello po ito rin yung kinakatakot ko Grade 11 student din ako then 8months na tyan ko hindi rin ako f2f online class ako. Nagpapasa ako ng performance task and activities palagi pero natatakot ako na mababa maging grades ko. Baka malayo sa grades ng cm ko na f2f kasi nga diba yung Recitation wala naman sakin na ganon meron naman 2days online class then 3days f2f sila. Sa f2f recitation wala ako hindi pa nag rerelease ng card pero sana mataas parin grades ko i mean wala sana line of 7. Sabi ko sa sarili ko okay lang na wala ako makuhang award ngayon bawi nalang ako next year pag nanganak na ako at nakapag f2f ako. Kaya mo yan hayaan mo nalang na 81 and 82 mataas parin naman yang graded mo pero yung ibang blanko kasi busy sila sabihin mo sa adviser mo hindi valid reason ang busy sila kasi nagpapasa ka naman
Magbasa paHello nak, teacher ako and may mga ganyan cases ako na mga nabununtis at an early stage. Pwede mo iask ang mga teachers mo kng bakit ganon ang grades mo. Maaaring nagpasa ka nga pero tama ba ang lahat ng sagot mo. Pero yung sagot ni teacher mo na busy sila ay mali at right mo mag ask kasi pumayag naman sila sa change ng set up mo from f2f to modular. Kausapn ko din ang adviser mo kasi mkakatulong sya para kausapn yung iba mong teachers. Baka may factors sila na bnbgay sa recitation na hndi mo nagagawa kasi modular ka kay naka affect sa grades mo. Mag ask ka ng help sa adviser mo nak. Pero wag ko stress masyado sarili monhabang buntis ka baka makasama sa baby. 😊 Pwede mo iask yan bakit walang grades hndi pwedeng busy sila. 😊
Magbasa paNeng baka dahil sa class participation points. Di ba sa f2f may mga ibang activities din like recitation tapos observation sa bata regarding gmrc siguro EQ. Ewan ko lang kung part ng grading system yun. Pero ang alam ko, hindi naman everyday nagpapagawa ng written activity or quizzes ang teacher. So yung ibang grades is from class participation like group activities na di mo magagawa since modular ka. Bawi ka nalang siguro next school year after mo manganak. Pero yung busy sila is hindi dapat, kung lahat kayo walang grades siguro mga busy siya pero kung ikaw lang walang grade, you have to complain.
Magbasa paaba anong busy? kung masipag ka, gngwa mo lahat para sa grades mo dpt magandang grades bnbgay sayo..punta kang school mi need ng clarification jan kung bkit ganon ang grades mo...sama mo parents mo kse kapag ikaw lang baka di mapaliwanag sayo ng maayos.
Hello. Ganito ang problema kapag walang parents na involve, minamaliit ang studyante at hindi ine-entertain ng maayos, lalo pa sa kalagayan mo na nabuntis habang nagaaral pa lang. Pero kapag ang magulang involve mahihiya yan mag dahilan.
aay sis hnd pwd ung ganun na keso busy wlang grades? sama mo parents mo sa school pra makausap ang teachers mo sis.
Eris’ mom