Pregnant Student

Hello po isa po akong grade11 at nag aaral parin po ako ng face to face class kahit na malaki na tiyan ko hanggang sa nilipat ako sa modular kahit daw baka mapano yung baby ko .Gusto ko lng po ng advice kasi po hindi po ako makatulog sa kakaisip bakit ang baba ng mga grades na ibinigay saaken .Kahit masama po pakiramdam ko nag eeffort parin po akong basahin isa isa yung modular ko at pinagpupuyatan ko pong sagutan lahat as in lahat lahat po at natatapos at napapasa ko po yun ng advance at kahit mga teachers ko nga po nagugulat ksi natatapos ko daw kaagad sagutan modular ko sobrang advance ko daw .Tpos nong f2f ako ang tataas din ng score na nakukuha ko at halos ako nga lng ang nag rerecite sa school .Nag tanong po ako sa teacher ko kung bakit ganun kababa yung grades ko hindi po dahil sa nagrereklamo ako dahil gusto ko pong malaman para namn sasusunod mas gagalingan ko pero sinabihan lng ako na wag nalang daw ako mag demand ksi daw hindi naman daw ako nag f2f class buti nga raw pinayagan ako mag modular at kinonsider nalang daw yung grades ko dahil buntis ako . 81 ,82 po yung grades na binigay saken tpos yung iba wala akong grades kasi busy daw sila ..

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Neng baka dahil sa class participation points. Di ba sa f2f may mga ibang activities din like recitation tapos observation sa bata regarding gmrc siguro EQ. Ewan ko lang kung part ng grading system yun. Pero ang alam ko, hindi naman everyday nagpapagawa ng written activity or quizzes ang teacher. So yung ibang grades is from class participation like group activities na di mo magagawa since modular ka. Bawi ka nalang siguro next school year after mo manganak. Pero yung busy sila is hindi dapat, kung lahat kayo walang grades siguro mga busy siya pero kung ikaw lang walang grade, you have to complain.

Magbasa pa
3y ago

Balikan ko ulit yung mga teachers na yun. Pag wala pa punta ka sa department head nila pag walang aksyon punta ka na sa principal. Para bang siguro dahil buntis ka na judge ka na.

Related Articles