Pregnant Student

Hello po isa po akong grade11 at nag aaral parin po ako ng face to face class kahit na malaki na tiyan ko hanggang sa nilipat ako sa modular kahit daw baka mapano yung baby ko .Gusto ko lng po ng advice kasi po hindi po ako makatulog sa kakaisip bakit ang baba ng mga grades na ibinigay saaken .Kahit masama po pakiramdam ko nag eeffort parin po akong basahin isa isa yung modular ko at pinagpupuyatan ko pong sagutan lahat as in lahat lahat po at natatapos at napapasa ko po yun ng advance at kahit mga teachers ko nga po nagugulat ksi natatapos ko daw kaagad sagutan modular ko sobrang advance ko daw .Tpos nong f2f ako ang tataas din ng score na nakukuha ko at halos ako nga lng ang nag rerecite sa school .Nag tanong po ako sa teacher ko kung bakit ganun kababa yung grades ko hindi po dahil sa nagrereklamo ako dahil gusto ko pong malaman para namn sasusunod mas gagalingan ko pero sinabihan lng ako na wag nalang daw ako mag demand ksi daw hindi naman daw ako nag f2f class buti nga raw pinayagan ako mag modular at kinonsider nalang daw yung grades ko dahil buntis ako . 81 ,82 po yung grades na binigay saken tpos yung iba wala akong grades kasi busy daw sila ..

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po ito rin yung kinakatakot ko Grade 11 student din ako then 8months na tyan ko hindi rin ako f2f online class ako. Nagpapasa ako ng performance task and activities palagi pero natatakot ako na mababa maging grades ko. Baka malayo sa grades ng cm ko na f2f kasi nga diba yung Recitation wala naman sakin na ganon meron naman 2days online class then 3days f2f sila. Sa f2f recitation wala ako hindi pa nag rerelease ng card pero sana mataas parin grades ko i mean wala sana line of 7. Sabi ko sa sarili ko okay lang na wala ako makuhang award ngayon bawi nalang ako next year pag nanganak na ako at nakapag f2f ako. Kaya mo yan hayaan mo nalang na 81 and 82 mataas parin naman yang graded mo pero yung ibang blanko kasi busy sila sabihin mo sa adviser mo hindi valid reason ang busy sila kasi nagpapasa ka naman

Magbasa pa
Related Articles