Antibiotic for pregnant women

Hello po! I am a pregnant with my first child and meron po akong UTI. Niresitahan po ako ng OB ko ng Cefalexin which is a kind of antibiotic and yung nanay ko nagwoworry na baka daw maapektuhan si baby. Ask ko lang po kung nagtake din po ba kayo ng antibiotic nung buntis po kayo?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same tayo sis ng resita ng OB cefalexin. Diagnose UTI at 6mos. pero di ko sya ininom hehe. ang ginawa ko ay increase water intake, as in 3-4liters sa isang araw ang nauubos ko. Goal ko is mag clear yung urine ko at doon na ko naging kampante hanggang nag positive na from hazy to clear yung complete urinalysis lab tests ko 🙂 though, hindi naman malala ung UTI ko. hindi masakit kapag iihi. kaya nakapagdesisyon akong di inumin yung cefalexin.

Magbasa pa

yes, 3 days ako nag take kac mababa lang naman UTI. and so far safe naman ung anak ko. 3 yrs old na ngayon. sobrang bibo. ahahaha. inumin nyopo yan mommy. mas alam po ng ob nyo kung ano ang makakabuti sa inyo. kapag di po nawala UTI nyo pwede lumala yan at mag cause ng miscarriage, stillbirth, sepsis, etc. sa baby nyo. safe po sa buntis yang antibiotic na yan. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Yes it’s a safe as long as c OB mismo nagresita tiwala lang sa knya kci alam nila ang ginagawa nila. At kung ndi ka din nmn mag antibiotic mommy c baby din nmn ang kawawa kci magiging affection po yan sa knya.. kaya more on water tlga pag buntis iwas sa mga maaalat kung maaari kci buntis po..

Yes twice ako nag ka UTI pinag antibiotic rin ako kasi MAS delikado if hindi na cure yung UTI kasi infection sya. Sadly, kahit na cure yung UTI ko, nakaapekto pa rin sya sa LO ko, nagkaroon sya ng neonatal pneumonia pag labas 🥺 hope you get better soon! Alagaan sarili mommy!

yes po. nagtake ako 7days nung 1st tri ko my uti ako nun.. ok nmn c baby ko ngaun 16weeks na xa. mas mahirap daw po kc pg hndi nagamot ang uti, c baby maapektuhan base po sa mga kwento ng mga mommies na di nagamot ang knilang uti..

2y ago

Thank you po sa info😊

may UTI din ako sa first baby ko super taas pa Ng UTI ko di ako uminum Ng antibiotics kasi natakot ako , okey nman baby ko Ngayon 3years old na di sakitin at super healthy di Rin niya nkuha infection Ng uti ko ,

2y ago

nkita Po Yung once na mag palaboratory ka , may iba Po Kasi na UTI na masakit umihi

ako momsh nag ka UTI ako around 8 weeks, niresetahan ako ni Ob ng antibiotics. I'm currently 27 weeks pregnant and ok naman si baby ☺️ mas delikado daw po pag hindi gumaling agad yung infection

Yes, diko na mabilang ilang beses ako na uti sa pagbubuntis ko. Lumabas na baby ko at okay naman sya hehe :) Tiwala lang kay ob mo mamsh

same ng nireseta saken mi Kasi 9-10 yong pus cell ko, 7days ko tinake tapos 3x a day. So far nawala naman na yong UTI ko.

VIP Member

hi po, i am also pregnant with my first child. meron din po akong UTI. niresitahan din po ako ng antibiotic, Cefuroxine..