Biyanan problems

Hello po, Gusto ko lang po sana humingi ng advice sana po may sumagot. So yun nga po, me and partner has been dealing with a minor argument na i know mafifix pa sana but instead of talking to me, nagsumbong sya sa papa nya. Nung sinumbong nya, nakisawsaw si papa nya as if he know the whole thing. He then insulted me telling me na hindi pa naman kami kasal ng anak nya, wag na daw kami magsasama, tapos pasalamat daw kami nakatira kami sakanila ng libre. Which is sobrang nakakainsulto po sa part ko kase po may baby na po kami tapos ganyan po mag advice yung papa nya. That time I was just seeking for my partner’s attention po kase the whole day, nagsusungit po sya tapos hanggang matutulog nalang po kami, hindi pa din maayos pakikitungo nya saken. Is asking for affection too much po ba? The morning after po, umalis po kami ng baby ko kase hindi na po talaga namin kaya yung emotional abuse sa bahay na yon considering na may kinakasama din po kaming lola nya na sobrang pakealamera din po as in lahat ultimo mannerism mo, papakealaman. Ngayon po binabawalan po ng papa nya yung partner ko po magkaroon ng connection samin as in ichecheck nya po everytime yung phone kung nag uusap pa kami. Itatakwil nya daw yung anak nya if ever nakita nyang nakikipag usap pa samin. He even made up stories such as sinaktan ko daw mama nya, hinuthutan ko po yung anak nya which is hindi naman po totoo kase sa gastos po sa baby namin, halos ako po sumasalo kase sobrang liit ng sinasahod nya. Kahit nung magjowa pa po kami I don’t want him to spend something on me kase ayokong magkaroon ng utang na loob.Mind y’all po, we’re already at the legal age po. We’re both 21 at may 8months old baby na po kami.Is it okay for his father to interfere and worse, advice such knowing na may anak po kami? #advicepls

29 Replies

VIP Member

Immature pa yung tatay ng anak mo, di siya makatayo sa sariling paa. Parang ayaw niya pa ng responsibilidad, naging reason nalang ang magulang niya.

kalalaking tao sumbongero 😒😒 samin ng lip hanggat maari ayaw namin pareho may nakikialam samin na iba . kasi dagdag issue lang un.

im sorry sis but you deserve better. sabi mo nga ikaw naman gumagastos para sainyo ni baby, bawasan mo na yang stress sa buhay mo

mahirap makitira talaga sis at mahirap yang utak ng partner mo 😵 you have to think twice

VIP Member

naku walang paninindigan yan momsh! iwan mo na yan Kesa ma stress ka jan

parang asawa ko nag susumbong sa nanay nya, "mama oh si angelica"

Yan ang Nanay, di kunsintidor. 😄

balik mo sya sa parents nya at magsama sila habang buhay!! 😤

magpakalalaki po sana yung partner nyo..

mahirap talaga nkikitira lang

Trending na Tanong