help pls
dapat po bang sabihin ng biyanan mo sayo at ibang tao pa sa loob ng bahay na 'kaya nag asawa ulit yung mother mo pars matakbuhan yung sustento niya sayo kasi buntis ka' tapos po ' maaga din kasi nag asawa yung mama mo nuon kaya pati ikaw ganun din'. Hindi pa naman po nya nakakasama si mama ng matagal, nakikita nya lang si mama tuwing may ihahatid sa akin dun sa bahay nila, madalang nya din makausap.kumbaga po ba e sa pangalan nya palang kilala si mama pero hindi sa boong pagkatao. Hindi naman po kasi talaga tinakbuhan ni mama yung responsibilidad nya kung tutuusin po siya nagbibigay ng allowance ko kahit na nasa podar na ako ng biyanan ko para may pangbili kami minsan ng pagkain at meryenda, si mama din nagbibigay ng pambili ko ng gamot at pangcheck up. Yung biyanan ko naman ang nagpapakain sa akin ngayon kaya diko siya masagot na mali siya sa inisiip nya at ayoko pong mawala yung respeto ko sa kanya. Diko lang po alam kung pano ko sasabihin sa asawa ko yung ganung sama ng loob ko, dahil magagalit siya.