nanunumbat

Hello po, gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Siguro after nito makakagaan na rin sa loob ko kahit ppaano salamat po. First time mom po ako and dito ako nakatira sa mama ko since nanganak ako, 2 mos na si baby. Si hubby nasa malayo kaya dito kami tumitira sa bahay ng mama ko. Ok naman nung una tsaka si mama ngbayad ng pangospital ko. Wala kasi kaming naipon ni hubby, dapat sa public nalang ako manganganak kaso pumayag si mama siya muna mgbayad. Madaming gastos ang baby lalo na vaccines etc. Si mama ang nagbabayad kasi yung tiyahin ko pedia kaya gamot nalang kailangang bilhin. Tapos kaninang umaga out of the blue habang naguusap kami ng kapatid ko biglang nagsabi ang mama ko na, "Magpasalamat kayo kung anong hinahatag sa inyo mapa pagkain man yan. Pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng vitamins, pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng bakuna." Na stunned ako sa mga sinabi nya. Pagkain lang pinaguusapan namin ng kapatid ko tapos nanumbat na si mama. Di nalang ako nagsalita pero naiyak nalang ako sa sama ng loob. Siya may gusto na tumira kami dito dahil sapat na sapat lang ang kita ni hubby at umuupa pa. Iniisip ko rin na kahit mgkalayo kami ni hubby kahit papaano ok lang para makasama ng mama ko si baby pero may masasabi pala na parang labag sa loob nya ang pagaruga sa amin mag-ina. Malaki ang pasasalamat ko kay mama pero sobrang sakit nya magsalita. Tinawag pa nya kaming kawawa ni hubby nung makalawa dahil wala daw kaming pera, umuupa pa at walang ipon. Inaamin ko naman na kawawa talaga kami pero mas naramdaman ko na kawawa ako dahil sa mga pananalita nyang masasakit. Nahalata nya yata na nasaktan ako kaya bigla nyang nabawi pero nasabi na nya. Plano ko umuwi na kay hubby para wala na kami marinig na masasakit na salita, kasi kung si hubby naman tatanungin gusto nya dun kami umuwi sa kanya kahit mahirap ang buhay. Talagang si mama lang nacconsider namin pero may masasabi pa pala. Yung isang tiyahin ko lihim kami tinutulungan financially. Nagaabot paminsan kasi kapag nalaman ni mama siguradong magagalit. Ok lang naman sana kung tipid talaga pero kung makapagwaldas sila ng kapatid ko ng pera minsan kakain sa labas, grocery ng mga tinatambak lang naman minsan nageexpire pa dahil di na makain, pinammigay nalang. Salamat sa mga nakabasa. Pasensya sa mga nainis. Kailangan ko lang po talaga ilabas ang saloobin ko.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iba na kasi pag nag kapamilya ang anak sis baka hindi masaya ang nanay mo na ang napangasawa mo e hirap din. imbis na sya yung gumagastos sa inyo need mo pa ng supporta ng magulang. Ganyan talaga mga magulang gusto nila sa mga anak nila maging maganda ang buhay nila hindi yung mararanasan yung hirap na naranasan nila. Baka hindi sya masaya sa kung ano ang sitwasyon nyo ng asawa mo. alam ko rin yung ganyan laging sinasabi samin ng byenan ko. Masyado daw kasi kami nag madali ayan parehas daw kaming hirap totoo naman yun sis kasi gang ngayon nandito pa kami sa side nya. Intindihin nalang natin kasi mas alam na nila yung pag dadaanan palang natin eh masakit man marinig pero totoo yun. Pero ngayon kaya naman namin na bumukod pero ayaw ng byenan ko kami nalang daw dito sa bahay para malapit saknya mga apo nya ang ginawa nya sya nangupahan para mag kasya kami dito ng mga anak nya. At nag babalak pa syang pataasan ang bahay para medyo maluwag na kami. Mabait naman ang byenan ko pero yung mga payo sermon nila tinatanggap nalang namin kasi lahat naman yun ay totoo alam ko rin naman ang pinag daanan nila kasi nakwento nya samin. Ngayon daw nakikita nya samin ng asawa ko kaya di nya daw kami pwedeng pabayaan☺️

Magbasa pa