nanunumbat

Hello po, gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Siguro after nito makakagaan na rin sa loob ko kahit ppaano salamat po. First time mom po ako and dito ako nakatira sa mama ko since nanganak ako, 2 mos na si baby. Si hubby nasa malayo kaya dito kami tumitira sa bahay ng mama ko. Ok naman nung una tsaka si mama ngbayad ng pangospital ko. Wala kasi kaming naipon ni hubby, dapat sa public nalang ako manganganak kaso pumayag si mama siya muna mgbayad. Madaming gastos ang baby lalo na vaccines etc. Si mama ang nagbabayad kasi yung tiyahin ko pedia kaya gamot nalang kailangang bilhin. Tapos kaninang umaga out of the blue habang naguusap kami ng kapatid ko biglang nagsabi ang mama ko na, "Magpasalamat kayo kung anong hinahatag sa inyo mapa pagkain man yan. Pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng vitamins, pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng bakuna." Na stunned ako sa mga sinabi nya. Pagkain lang pinaguusapan namin ng kapatid ko tapos nanumbat na si mama. Di nalang ako nagsalita pero naiyak nalang ako sa sama ng loob. Siya may gusto na tumira kami dito dahil sapat na sapat lang ang kita ni hubby at umuupa pa. Iniisip ko rin na kahit mgkalayo kami ni hubby kahit papaano ok lang para makasama ng mama ko si baby pero may masasabi pala na parang labag sa loob nya ang pagaruga sa amin mag-ina. Malaki ang pasasalamat ko kay mama pero sobrang sakit nya magsalita. Tinawag pa nya kaming kawawa ni hubby nung makalawa dahil wala daw kaming pera, umuupa pa at walang ipon. Inaamin ko naman na kawawa talaga kami pero mas naramdaman ko na kawawa ako dahil sa mga pananalita nyang masasakit. Nahalata nya yata na nasaktan ako kaya bigla nyang nabawi pero nasabi na nya. Plano ko umuwi na kay hubby para wala na kami marinig na masasakit na salita, kasi kung si hubby naman tatanungin gusto nya dun kami umuwi sa kanya kahit mahirap ang buhay. Talagang si mama lang nacconsider namin pero may masasabi pa pala. Yung isang tiyahin ko lihim kami tinutulungan financially. Nagaabot paminsan kasi kapag nalaman ni mama siguradong magagalit. Ok lang naman sana kung tipid talaga pero kung makapagwaldas sila ng kapatid ko ng pera minsan kakain sa labas, grocery ng mga tinatambak lang naman minsan nageexpire pa dahil di na makain, pinammigay nalang. Salamat sa mga nakabasa. Pasensya sa mga nainis. Kailangan ko lang po talaga ilabas ang saloobin ko.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang Sis base sa kwento mo ang swerte mo pa. Ako Mommy ko di ko malapitan kahit nung una pa lang hindi sila yung tipong tutulong sa Anak.. Pag graduate ko pinabayaan na ko at need ko pa magbigay sa kanya every cut-off tapos wala lagi pagkain sa bahay kaya gastos ko din allowance ko kumbaga sa libre lang ako ng tirahan. Nag decide ako bumukod na dahil mas masakit pa narinig ko dyan fron my Parents pero bumukod ako hindi sa sama ng loob kundi sa nahihiya na ko sa parents ko at nahirapan na ko. Min. Wage pa lang kasi ako pero gusto nila mas malaki ang abot ko sa kanila eh pinapakain ko sarili ko sa isang araw,3 beses since wala lagi pagkain sa bahay namin nawalan ako ng work that time kasi pinilit nila ko umalis sa work ko at pinipilit nilang sila mag decide ano maging work ko gusto nila mag call center ako eh gusto ko ipush career ko HRM grad. Ako... at that time di na ko nakakain sa bahay since wala work wala din pagkain... Nag live in kami ng boyfriend ko non which is Hubby ko now pinatira nila ko sa bahay nila tinaggap naman ako ng Mama at Papa nya tinulungan ako. Ngayon di ako makahingi tulong sa Pamilya ko kasi sinabihan kami lahat na bawal humingi nangtulong sa kanila once nag Asawa na. Mabait Mama mo. Minsan naglalabas lang din sama ng loob kasi nahihirapan din naman maiintindihan mo din yan soon lalo na Mommy ka na din may times na feeling mo down ka tapos nakakpagsalita ka sa Anak mo pero di panunumbat yon. Pagpapaalala yon na swerte ka sa buhay at minsan need din nila ng comfort. Babae mood swings alam mo naman yon 😊 madami kami pinagdaanan sa Parents namin di kami gaya ng ibang Pamilya pero di ako nagtanim ng sama ng loob sa magulang ko. Love na love ko pa din sila kahit di na nila ko pinapansin. Last time kasi umuwi ako mas masakit na salita pa narinig ko at pinalayas lang ako ulit 😂 umalis na lang ako ulit ayaw ko sila maistress sakin lalo na Papa ko may sakit eh wala din ako maiaabot kasi buntis ako wala ko work 😊 next time na ko babawi sa kanila. Bata pa naman ako at first baby ko pa lang 😊

Magbasa pa
6y ago

Hehe wala naman po akong galit sa mama ko, tampo po siguro kasi hirap rin po kami ng hubby ko and fully aware na di lahat dapat iasa kaya stress talaga ako. Gusto ko rin makatulong at lalong ayaw maging pabigat. Napaka hirap talaga sis pero salamat na rin andyan si mama. Baka nga di siya ok kanina kaya nagulat lang din ako pero medyo napapadalas kasi kaya nakakatampo na. Salamat sis sa pagreply mo and sana ok ka lang, stay strong. God bless.