nanunumbat

Hello po, gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Siguro after nito makakagaan na rin sa loob ko kahit ppaano salamat po. First time mom po ako and dito ako nakatira sa mama ko since nanganak ako, 2 mos na si baby. Si hubby nasa malayo kaya dito kami tumitira sa bahay ng mama ko. Ok naman nung una tsaka si mama ngbayad ng pangospital ko. Wala kasi kaming naipon ni hubby, dapat sa public nalang ako manganganak kaso pumayag si mama siya muna mgbayad. Madaming gastos ang baby lalo na vaccines etc. Si mama ang nagbabayad kasi yung tiyahin ko pedia kaya gamot nalang kailangang bilhin. Tapos kaninang umaga out of the blue habang naguusap kami ng kapatid ko biglang nagsabi ang mama ko na, "Magpasalamat kayo kung anong hinahatag sa inyo mapa pagkain man yan. Pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng vitamins, pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng bakuna." Na stunned ako sa mga sinabi nya. Pagkain lang pinaguusapan namin ng kapatid ko tapos nanumbat na si mama. Di nalang ako nagsalita pero naiyak nalang ako sa sama ng loob. Siya may gusto na tumira kami dito dahil sapat na sapat lang ang kita ni hubby at umuupa pa. Iniisip ko rin na kahit mgkalayo kami ni hubby kahit papaano ok lang para makasama ng mama ko si baby pero may masasabi pala na parang labag sa loob nya ang pagaruga sa amin mag-ina. Malaki ang pasasalamat ko kay mama pero sobrang sakit nya magsalita. Tinawag pa nya kaming kawawa ni hubby nung makalawa dahil wala daw kaming pera, umuupa pa at walang ipon. Inaamin ko naman na kawawa talaga kami pero mas naramdaman ko na kawawa ako dahil sa mga pananalita nyang masasakit. Nahalata nya yata na nasaktan ako kaya bigla nyang nabawi pero nasabi na nya. Plano ko umuwi na kay hubby para wala na kami marinig na masasakit na salita, kasi kung si hubby naman tatanungin gusto nya dun kami umuwi sa kanya kahit mahirap ang buhay. Talagang si mama lang nacconsider namin pero may masasabi pa pala. Yung isang tiyahin ko lihim kami tinutulungan financially. Nagaabot paminsan kasi kapag nalaman ni mama siguradong magagalit. Ok lang naman sana kung tipid talaga pero kung makapagwaldas sila ng kapatid ko ng pera minsan kakain sa labas, grocery ng mga tinatambak lang naman minsan nageexpire pa dahil di na makain, pinammigay nalang. Salamat sa mga nakabasa. Pasensya sa mga nainis. Kailangan ko lang po talaga ilabas ang saloobin ko.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! Wag ka mag icp ng negative.. :) if I were to ask wla masama sa sinabi ng mama mo it's how you take it positively.. Wlang responsibility sa inyo c mama mo.. Kung nkkpagsalita man cia ng ganun icpn mo nlng it's for you to learn hndi para saktan ka kundi para marealize mo na hindi madali ang maging magulang :) wlang ina ang gustong mahirapan ang anak.. Kaya niya pinili na jan kayo sa knya kasi alam niya ang hirap na pagdadaanan mo.. Ang about nman sa pag gastos nila wag mag icp ng hndi maganda.. Icpn mo nlng pakunswelo nlng niya un sa araw araw na pagod at hirap niya bilang ilaw ng tahanan :) wag mo icpn na luho un sis.. About nmn kay hubby mo obligahin mo cia kahit mahirap kailangan niya kayong supportahan.. Kailangan niya matuto kasi tatay na cia.. Magging okay din lahat sis pray ka lang icpn m nln this too shall pass 🙏🙏🙏 always think positive and always divert everything into positive thinking! Icpn mo lagi baby mo lahat yan pra kay baby mo.. God Bless!! 🙏🙏🙏

Magbasa pa
6y ago

Hi sis Jaycee thank you sa nice words and sa encouragement. Madami kasi nasasabi si mama na masasakit and minsan di na nya yun narerealize agad. Pagalit kasi siya nagsalita kanina and out of the blue and out of topic kaya nakakatampo lang. Salamat sis. God bless.