Nakakainis lang na may mga kabataan na ganito. Sorry ha?! I was only 15 when i got pregnant sa 1st baby ko. Graduating pa lang ako ng highschool. Imagine ah?! 15y/o pero pinanindigan ko ung pagbubuntis ko! Nung nalaman ng parents ko, hulpi inabot ko. Pinainom nila ko ng mga pampalaglag pero nung di ko na natiis, di na ko umuwi sa amin. Sumama ko sa bf ko. Pina blotter sa brgy. Pinilit ako umuwi sa amin. Pero ayoko na. Kasi paglalaban ko yung baby ko. Nag march ako sa graduation na 3mos pregnant na ko at walang ibang nakakaalam sa mga kaklase ko. After nun nakuha na rin tanggapin ng magulang ko. Wala naman na silang choice. And that time alam ko naman na di pa nila ko pag aaralin ng college. Nanganak ako 16y/o na ko. Tapos nasundan baby ko 8months pa lang sya. After ilang years naghiwalay kami ng tatay nila. Natuto magbisyo kaya naman ako mag isa ang nagtaguyod sa mga anak ko. After nun may nakilala akong guy na minahal ko, nabuntis rin ako. After 4yrs naghiwalay kami. Nasa akin pa rin anak ko. Ginawa ko silang inspirasyon ko. Oo malas nga siguro ko sa mga lalaking napili ko mahalin, pero hinding hindi ko pagsisisihan na binigyan ako ng mga anak na halos parang mga kapatid ko lang. Ngayon meron na kong 3 anak na pinag aaral. Kasabat nun. Nag aral din ako. And im proud na sabihin na 3rd year college na ko ngayon. Wala akong pinagsisihan na maaga akong nabuntis. Gusto ko balang araw ipagmalaki ako ng mga anak ko na kahit maaga ko nagbuntis sa kanila e pinagpatuloy ko pa rin yung pangarap ko. Kasalanan sa Diyos ang gagawin mo. Kaya kung ako sayo, mag isio ka. Ipagtapat mo sa magulang mo yung totoo. Natuto maglandi, matuto rin maging responsable.
Magbasa pa