Ayoko po nito

Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??

839 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Keep the baby, kahit ako maaga nag buntis ngayon di ko talaga ginawang ipalaglag, naisipan ko ipalaglag to pero ayoko magkaron ng malaking kasalanan, lalo na ang bata walang kaalam alam yan. Tatanggapin din yan ate, Si Lord nga tinatanggap tayo kahit ilang beses tayo nagkasala, ayan pa kaya parents mo. Yung pagiging buntis nalang unahin mo sa ngayon, yun baby unahin mo wag sarili mo

Magbasa pa