Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Hoping to be Pregnant
Na iirita palagi
Hi po mga mommy tanong lang po, naka experience na po ba kayo na Palagi po kayo na iirita, I'm 3months Preggy po, Napapansin kolang po sarili ko na parati po akong Na iirita sa mga Pamangkin ko po, kahit wala po silang nagawa na kasalanan sa akin palagi po akong Galit sa kanila, kahit sino pong tao sa bahay na nakikita ko nagagalit po ako, Na experience nyo na ba yun mga mommy?
Team February
Hello po sino po dito yung EDD nya is February 2021 ano po yung nararamdaman nyo ngayon mga Mommy, and ilang weeks na po kayo 😊
Adobong Manok
Tanong lang po mga momsh, mahilig po kasi ako Kumain ngayon ng Adobong Manok po, feel ko nga po Adobong Manok yung Pinaglilihan ko po, sabi po ng iba dapat po daw Iwasan ko po yung Paglilihi ng Manok baka daw pag lumabas yung Baby ko yung Buto daw ng Baby ko baka maging Buto ng Manok na hindi po Matibay.. Totoo po ba yan mga Mommy? Salamat po sa maka Sagot po
Duphaston
Hello po mga momsh, tanong lang po Safe po ba sa 5weeks na Buntis inumin yung DUPHASTON po?
Vaginal Discharge
Hello po mga Momsh, tanong lang po Normal lang ba yung Lumalabas sa akin na Discharge po? Hindi po sya mabaho and hindi din po sya Makati po. 5 weeks Pregnant po ako. Salamat po sa maka Sagot
False Pregnancy
Sino po dito naka Experience na akala nila Buntis sila yun pala False Pregnancy lang, Yung naranasan mo yung mga Symptoms ng Buntis like Pananakit ng Boobs, Implantation Bleeding, Pag Susuka, Pananakit ng Ulo.
Cephalic Position at 33 Weeks
Tanong lang po mga momsh, Pag Cephalic Position po in 33 weeks may pagkakataon pa po ba yan na iikot pa yung Baby? Salamat sa Sagot po. Due Date po kasi ng Kapatid ko is Last month of May po
Folic Acid
Hello po mga Momsh, tanong lang po ano po yung mas Magandang Enumin na Folic Acid Vitamins po? Para sa gustong ma buntis po? Sabi po kasi nila pag umenom ka ng Folic Acid mapa bilis po yung Pag Bubuntis po? Sana may maka Sagot po sa tanong ko, Salamat po!
Delayed 5 Days
Hello po mga Mommy, Sino po dito yung Nakaranas ng Delayed 5 days po yung Menstruation nyo pero Regular naman po yung Mens. Nyo and Never pa po ako na Delay ng Mens. And Never pa po ako Nakaranas ng mga Sign ng Pregnant po. Like Spotting, Pananakit ng Boobs, Na Susuka, Craving ng Pagkain, At Nahihilo po, Akala ko noong Time na yun Buntis na ako pero Noong Ika 6days Delayed na ako Dumating yung Mens. Ko pero Tumagal lang po sya ng 3days po. Gustong gusto na po kasi ng Partner ko maka Buo po kami, kaya subrang na Disappoint po ako noong araw na yun. Sana po may maka sagot nito
Ano po ito?
Hello po mga Momsh, magtatanong po sana ako sana po may maka Sagot nito, Hindi ko po kasi alam kung ano po itong lumalabas sa Vagina ko po? Hindi pa po dumadating mens ko po. And nag DO po kami ng Partner ko during FERTILE DAYS ko po. And may nararamdaman po akong Pananakit ng Boobs ko po, Bewang ko po at minsan Nahihilo po ako. Pasintabi po sa picture