Ayoko po nito
Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??
We had the same feeling po. I got pregnant when i was 18. First year college pa lang. Unwanted and unplanned pregnancy. Present lahat ng takot, kaba, dismaya, d matanggap. I planned to abort my baby nung 3 months pa lang sya, uminom ako ng mga mapait, kasi daw effective daw yun. Na try ko na lahat ng alam kong makakapaglaglag ng baby. Pero walang effects. Nandun na yung sobrang takot. Andun na yung mindset na pag di to nalaglag, mag bibigti ako. Pero the moment na na feel ko yung first nyang galaw, that was the time i felt so much love sa baby ko. The day I felt his little kicks, naramdaman kong mag mahal na di ko pa naramdaman noon. Lahat ng takot ko, napalitan ng pagmamahal sa anak ko. Kahit sobrang nagalit papa ko, d ko yun pinansin dahil mas importanti pa saken yung baby ko. okay lang saken na d ako pinapansin ng papa ko at least i have my baby. I am now 7 months pregnant and so excited na makita si baby. Laban momsh. The best blessing sa buong buhay ko ang anak ko ❤
Magbasa paAko magseseventeen years old pa lang. Dati sa sobrang takot ko nagplano kami ng boyfriend ko ipalaglag kasi nalaman na namin na buntis ako nung magfifive months na, kasi monthly pa rin bleeding ko non pero nalaki na tyan ko. Nung una takot ako, ayaw ko talaga sa bata. Plus napakastrict din ng parents ko at mataas expectations nila sakin. Ni hindi nila naisip na gagawa ako ng ganto o may boyfriend na pala ko. Unwanted pregnancy din. Kasi isang beses lang naming ginawa pero nakabuo agad. Retired na sundalo pa papa ko. Pero kalaunan nahalata ni mama tyan ko tas pini-t nya na ko. Walang madali lalo na mga bata pa kami/tayo kaya iexpect mong magagalit sila pero onti-onting tinutulungan ako ng mama ko tas si papa di na ko pinapansin pero nangako kong magtatapos pa rin ako. Gumawa tayo ng kasalanan kaya dapat tanggapin at harapin natin ung consequences kasi habang buhay natin dadalhin yan pag nagpalaglag tayo. Lalo na pag first baby mahihirapan ka ng magkaanak ulit o madaming complications. Onti-onti mo ring matatanggap yang batang yan.
Magbasa paay naku sis dun palang nga sa pumatol ka sa may asawa maling mali na. iisipin mo pa na magpalaglag? wag naman na oy . mag isip ka naman ng tama kahit sa magiging baby mo naman! kung ayaw mo sa anak mo then madaming may gusto magkaroon ng anak edi ipaampon mo baka mahalin pa nila yun anak mo, mas higit pa kesa sa pagmamahal mo.. wag ka madepress sis kung ganito comment or advice sayo kasi dapat bago ka bumukaka sa lalaki alam mo dapat ang mangyayari lalo na at may pamilya na yun lalaki at sabi mo strict parents mo kaya dapat sumagi sa isip mo na gumamit kayo ng condom. hindi yun may nabuo na kayo saka mo naman iisipin na ipalaglag. tsk kawawang baby.. 20 kana magalit man magulang mo sayo kung matigas talaga yan ulo mo mauunawaan ka nila at matatanggap ka nila kahit singlemom ka baka tulungan ka pa nila sa pag alaga ng baby mo. pero kung ayaw mo sa baby mo then ipaampon mo nalang . wag mo na ipalaglag saglit lang hihinto ang mundo mo sa pagbubuntis mo pero after mo manganak tuloy ulit ang ikot ng buhay mo. pag isipan mo ng maigi yan . walang maging masama kung maging single mom ka 😉
Magbasa paHello sis. I hope this will help. Nursing student din po ako nung nabuntis ako. Same age as you, 20 yrs old. After knowing na buntis ako sinabi ko na sa boyfriend ko. Knowing na bawal ang buntis na student na magduty sa hospital, naisipan ko rin ipalaglag. Same sa bf ko then napag isip isip namin na magpaultrasound para matingnan kung may heartbeat na siya. After knowing na embryo na siya. 5 weeks na si baby sa loob, bigla na lang kaming natuwa. Ang galing lang, sinabi namin na itutuloy na lang namin kahit ganito. Tinago namin yung pregnancy ko. Nagtanan kami then nahanap ako ng family ko nung kabuwanan ko na. Ang daming sermon at kung ano ano pang masasakit na salita. Then nung nanganak na ako, ang family ko din ang una unang sumuporta sakin. Now, mahal na mahal nila si baby at tanggap na rin nila si bf ko. Graduating student nurse na din po ako and I'm very glad na di ko pinalaglag si baby. Sis tatagan mo lang loob mo, let your family know na buntis, marami ka ngang maririnig sa kanila but in the end sila lang din ang susuporta sayo.😊❤
Magbasa paHi, please do treasure your baby. Unang una, wala siyang kasalanan sa naging resulta. Inosente siya, sana wag sa kanya malagay yung sakripisyo at pagsisisi. I am 19 years old, unwanted pregnancy din, pero I kept my baby. 26 weeks nakong pregnant ngayon. Nung una kong narinig ang heartbeat ni baby, dun ko nafeel na di ako nagsisi na kineep ko siya, kahit ang daming sinabi sakin na masakit ng pamilya ko na halos hindi nako tanggapin. Babies are blessings, unwanted pregnancy man yan, may purpose kung bakit siya binigay sayo. Isipin mo nalang yung sitwasyon na, nakatakas ka nga, nawala siya sayo, successful ka, tapos nasa point ka na, gusto mo na magka anak, pero di ka na mabigyan dahil sa gagawin mo. Lahat may consequences, pero sana dun ka nalang sa ikabubuti mo at ng baby mo. God bless you! Please be strong, walang magulang na itatakwil nalang basta basta ang anak. Maniwala ka sakin. I've been there, pero now okay na kami ng parents ko, nakakausap ko na sila, sa una lang magiging mahirap, pero worth it lahat.
Magbasa paSus dapat nag isip ka muna ng maraming beses kahit maliit payan kasalanan na sa diyos yan. Sa tingin ko mas maiintindihan ka nila kasi anak ka nila. Ayaw rin nila na gagawa ka ng desisyon ng di mo makakalimutan habang buhay. May karma yan ganyan gagawin mo di siguro sa ngayon pero once na nagawa mona yan baka balang araw na gusto muna mag kaanak at may asawa kana saka ka naman karmahin. Kung magalit sila sayo tanggapin mo kasalanan mo naman yan eh pero maiintindihan ka nila tutulungan ka nila natural lang na magalit sila kesa gumawa ka ng mas malaki pang kasalanan. At sana maging aral na sayo to ginawa mo wag kang mag papagamit sa taong may sabit na at alam mong dika papanindigan🤦.. ganyan din kami dati ng asawa ko dipa kami ready nuon. Takot kami sabihin sa parents namin. Pero ginusto namin yung nangyari kaya tinanggap namin yung galit at sermun nila. Pero natuwa parin sila at hinarap namin yun kahit ano daw mangyari panindigan daw o hindi wag na wag daw papasok sa isip ko ang ipalaglag ang bata. Ngayon 6 years old na anak ko.
Magbasa paI'm not in your position to decide what is better for you. Basta lakasan mo lang ang loob mo. Be firm sa yong decision, yung tipong hindi mo pagsisisihan. If ever you wanted to continue, tapatin mo mga magulang mo kasi malay mo magalit man sila sayo ngayon, matatanggap din nila yan sa huli. Afterall, anak ka nila at pamilya ka at yang nasa tyan mo ay kadugo din nila, maging matatag kalang at malay mo sila pa ang unang unang susuporta sayo. Kung ayaw mo naman, siguraduhin mong hindi mo pagsisisihan yang desisiyon na yan. Sa pagkakaalam ko may binebentang cytotec sa quiapo, dun ka magtanong sa mga tindera ng mga parang herbal medicine pero patago kasi illegal na yan. 12 weeks below ang preferred month ng fetus. You can search sa google o sila na mismo mag iinstruct sayo pano gamitin. At the end of the day, nasayo ang desisyon at wala sa ibang tao. Sa bawat desisyon mong gagawin, ikaw at ikaw ang haharap dito kaya mag ingat kung ano ang dapat mong piliin. Sa susunod, gawin mo na ding aral yung nangyari sayo..lagi dapat protektado.
Magbasa paMay friend ako nakabili sa Quiapo and muntik nyang ikamatay ang pagpapalaglag. Nalaman pa ng parents nya ang nangyari kaya sising sisi sya ang laki pa ng gastos nila
hi... i was 19yo nung nbuntis aq n 20 nung nanganak aq... at 1st gs2 q magpalaglag...uminom dn aq aspirin and thank God wala nangyari ky baby... i was so ashame s sarili ko na nagawa ko s sarili kong dugo un...and ask for forgiveness... alam mo d naman yan nangyari lng eh...ginusto mo dn yan kya dapat tanggapin mo...kng narape k o ano mn cgru mas maiintindihan q p un...and 20yo k n...mas madami pang mas bata p sau nagconceive pero hinarap nila ang responsibilidad... and magpopolice ka pa pala, eh you are commiting crime to your own flesh n blood... buhay po yang pinapatay nyo...isang angel na wala namang kasalanan sa mga pasarap n naranasan mo... you should face your fears to be a better person...if lagi ka natatakot o matatakot ehh wala k mapapala... talk to your parents...they need to know ASAP... d k dn nmn cgru nila iiwan...n ur not alone if maging single mom k...andami natin sa buong mundo... its just a matter po facing it... just dont kill that angel... nasa huli ang pagsisi..remember that...
Magbasa pa2011 20yrs lang ako una baby ko iniisip ko palaglag sya dahil ayaw ako panagutan ng tatay ng anak ko kasi dahilan nya napaka bata pa nya at may pangarap dw sya ayun hind pinanagutan hinayaan nya ako at wag dw ako punta sa haus nila dahil masisira kinabukasan nya after nun hinayaan ko pero thanks god may isa lalaki may sumalo nun at yun yung asawa ko inako nya anak ko kinaya ko lahat ng sakit wla alam magulang at mga kapatid ko pero sa tulong ng umako sakin at pamilya nya naka move on ako at yun nga napanganak ko baby ko pero namatay sya dahil din may kundisyon sya palagi ako umiiyak after nun nag buntis ako ok baby namin 8yrs old na and last yr nag buntis ako kaso wla heartbeat baby ko 8weeks lang ang sakit din yun umiiyak ako sa pgh mag isa dahil ang hirap tanggapin na wala baby ko but now buntis ulit ako 8weeks no heartbeat padin dw ang hirap mawalan ng anak lagi ko pinag pray kay god na sana bigyan na kami ng baby kaya ikaw napaka swerte mo tandaan mopo sa oras ginawa mo yan habang buhay mo dadalhin kasalan mo sa dyos pumapatay ka ng sarili mo anak😔😔
Magbasa pa9 na aspirin? Hindi lang sa baby ang pwede magka effect, sayo rin. Pwede kang ma overdose. Nagkamali ka na sa una. Wag mo na sana idamay yang baby sa sinapupunan mo. Let me ask you this question, what if nung pinagbubuntis ka ng nanay mo sinabi rin nyang ayaw pa nyang ipagbuntis ka? Hindi pa rin sya ready? What would you feel? Oo magagalit parents mo kasi may nagawa kang mali, pero hindi parin dahilan yun para ipalaglag mo yung baby. Mas ikakagalit nila kapag nalaman pa nila yang balak mong paglaglag sa baby. Magalit man sila sa una, pero magulang mo parin yun. Mamahalin at tatanggapin ka parin lalo na yang magiging anak mo. Don't let your past mistakes ruin your future. Bumawi ka by doing things right. Wag na pumatol sa hindi dapat. Magsumikap ka na ipagpatuloy ang pag-aaral mo since graduating ka na. Yung future nyo ng baby mo na ang focus mo. At higit sa lahat, ipaghingi mo ng tawad sa Panginoon ang kamalian mo. Humingi ka ng guidance kung paano mo maoovercome yang problema mo sa ngayon. Mag-pray ka ate girl.
Magbasa pa
Mamehhhh