839 Replies

Papa I know you're going to be upset 'Cause I was always your little girl But you should know by now that I'm not a baby You always taught me right from wrong I need your help, daddy please be strong I may be young at heart But I know what I'm saying The one you warned me all about The one you said I could do without We're in an awful mess And I don't mean maybe, please Papa don't preach I'm in trouble deep Papa don't preach, I've been losing sleep But I made up my mind, I'm keeping my baby, hm I'm gonna keep my baby, hm He says that he's going to marry me We can raise a little family Maybe we'll be all right It's a sacrifice But my friends keep telling me to give it up Saying I'm too young, I ought to live it up What I need right now is some good advice, please Papa don't preach, I'm in trouble deep Papa don't preach, I've been losing sleep But I made up my mind, I'm keeping my baby, hm I'm gonna keep my baby, ooh ooh Daddy, daddy if you could only see Just how good he's been treating me You'd give it some blessing right now 'Cause we are in love We are in love (in love), so please (so) Papa don't preach, I'm in trouble deep Papa don't preach, I've been losing sleep But I made up my mind, I'm keeping my baby, hm I'm gonna keep my baby, ooh ooh Papa don't preach, I'm in trouble deep Papa don't preach, I've been losing sleep Papa don't preach, I'm in trouble deep Papa don't preach, I've been losing sleep Papa don't preach (Oh, I'm gonna keep my baby) Papa don't preach (Ooh) Papa don't preach (Don't you stop loving me daddy) Papa don't preach (I know I'm keeping my baby)

Hey wala bang filter sa bibig yung iba sainyo dito sa comments? This girl is scared and obvious naman na alam niyang nagkamali siya, kailangan pa ba batuhan siya ng masasakit na salita? Lilinis niyo rin eh pwe! Payag kayo may mga sarili na kayong anak pero mga bibig niyo dito dudugyot. Anyways, to ate girl. Harsh man mga iba dito pero they're right. Panagutan mo yan, it's scary pero kaya mo naman yan. Wag mo na habulin yung sa tatay, humingi ka na lang ng sustento tutal it's his baby rin. Di ka naman magiging mag-isa eh. Your family will forgive you no matter what, siyempre may sama ng loob from them pero wag mo damdamin. That's the consequence you need to accept. Pero despite that, they'll appreciate it more na you were honest and they're gonna provide you a great support system. I'm 23 na and haven't graduated yet pero I got pregnant rin. I was so scared to tell my parents din hanggang sa umabot akong 7 months without telling anyone. Boyfriend ko lang din may alam. Nung una, naisip ko rin not to continue my pregnancy. Wala naman akong ginawa to harm my baby pero I didn't acknowledge it either. I changed my mind kasi I believed in myself na alam ko na kakayanin ko. Having this baby isn't gonna be the end of the world. When I told my family, they were so disappointed, siyempre ako lang babae sa magkakapatid and panganay pa. Pero ngayon mas excited pa sila kesa sakin for their apo hahaha. Anyways, everything's gonna get better, girl. Just accept the responsibility for it and please believe in yourself.

same tayo mamsh ng situation. 7 months before I reveal my pregnancy. Wala rin ako ginawa, pero naisip ko na kelangan ko na lang tanggapin pagalit ng magulang ko kasi in the first place ako ang nagkamali. Pero, nagwo-work na ako. Even sa work, hindi ko sinabi na preggy ako. Pero ngayon, ok na lahat. Praying for safety namin mag ina tsaka mas lalo sa anak ko.

VIP Member

Alam mo sis, tama sila, hindi maitatama ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Nagkamali ka man nung una dahil nakipag do ka ng hindi ka pa ready sa magiging bunga, nagkamali ka din dahil may pamilya ung pinatulan mo, pero ngayon may umaasa na sayong sanggol sa loob mo. Kelangan mo nang itama yung mga pagkakamali mo. May maririnig at maririnig kang hindi maganda, oo. Pero wag mong idadamay ung buhay ng bata para lang maiwasan mong harapin ung mga pagkakamali mo. Kasi sayo na nakasalalay ung buhay ni baby. You need to face it na. And abortion is a crime. Nakakaguilty na na lumabas un sa bibig mo, ano pa kaya kung ikaw sabihan ng nanay mong patayin ka na langnila dahil di ka nya kayang buhayin. Masakit diba? Magsorry ka sa baby mo dahil pinagbalakan mong kitilin ung buhay nya. Di ka naman murderer diba? Matakot ka kay Lord. Magpray ka ng magpray, magsimba ka para maiguide ka nyang maigi at maliwanagan ka. Wag kang magpapatukso sa masama. Alam mo na ung tama at mali. Sabihin mo na agad sa parents mo kapag nakapag ipon ka na ng lakas ng loob at nakapag isip ng tama, nakapag desisyon ng maayos. O kung hindi, magpatulong ka sa kanila. Mahal ka nila. Makakarinig ka sa kanila, tanggapin mo nagkamali ka e. Pero ipakita mo sakanila na ready kang harapin ung pagkakamali at itatama mo yun. Kailangan mo lang ng tulong nila sa ngayon. Family naman kayo e. Matatanggap din nila yan. Dont be selfish, binuhay ka ni Lord sa mundo, buhayin mo din baby mo. ❤❤❤🙏🙏🙏

Isipin mo na lang sis na kapag tinuloy mo yang plano mo sa bata, it will haunt you for the rest of your life. Mumultuhin ka nyan forever. Mas lalong hindi mapapanatag yung kalooban mo. So ngayon palang do what is right. Atleast you can stand proud in the end dahil itinama mo ung pagkakamali mo. God bless you 🙏

Mommy ganyan din po situation ko more than a year ago, February 2019 nalaman kung buntis ako. Nag rereview pa ako nun. Una kung sinabihan ang ate ko, sinabihan nya akong uminom ng pills pero dko ginawa, pero nag sorry din si ate sa akin at kay baby din. Akala ko di ako matatanggap ng family ko lalo na si papa dahil ayaw din nya sa tatay ng anak ko. Nung nalaman nyang buntis ako nandito ako sa Manila. Sabi ni papa ayaw daw nya akong makita o kahit ang anak ko. Umuwi akong probinsya, sa bahay ng partner ko pero pinauwi din lang ako ng papa ko sa bahay namin at sila ni mama ang nag asikaso sa akin nung nanganak ako at nag aalaga ngayon sa baby ko dahil nag wowork ako. Sa tingin ko normal lang na masaktan sila,pero at the end of the day anak ka parin nila kahit anong mangyari hindi ka din nila matitiis. Normal lang na matakot ka pero may baby kana promise sobrang worth it maging ina. Hindi madali maging ina pero magkakaroon ka ng inspirasyon na magpatuloy sa buhay. Hindi ako nag sisisi na dumating si baby sa buhay ko, hinding hindi ko sya ipagpapalit sa kahit anong career o kahit sa pangarap ko. Hindi pa naman huli lahat, mangarap ka ulit kasama si baby 😘 Magpacheck up ka, kumain ng tama, mag vitamins araw araw at magdasal. Kaya mo yan mommy. Malalagpasan mo din yan. Si baby? Okay lang sya wag ka masyado mag isip, nagkamali ka humingi ka ng tawad sa anak mo at sa Dyos, si God na ang bahala sayo at sa baby mo 😇

Sana bago nyo ginawa pinag isipan nyo muna yung mga pwedeng mangyare,lalo kna girl may pangarap ka pala at alam mo yung lalake my pamilya.hindi naman sa nakikialam ako sayo at pinagsasabihan kita mas mabuti na yung prangka.pero anjan na yan sympre kelangn buhayin mo yan kasi buhay yang binigay sayo. Payo ko lang sayo hindi mo naman matatago yan mahihirapan ka lang mahihirapan lang din yang baby mo kawawa naman wla namn kinalaman sa ginwa nyo. Sabihn mo sa parents mo yung kayo lang tlaga ipagtapat mo wala namn magulang ang hindi nakakaintndi sa anak at magiging apo nila yan. Sa bf mo naman pag usapan nyo ng maayos matuto kayo manindigan.at sa pag aaral mo hindi pa ang huli ang lahat pag my chance kapa makpag arl pagkapanganak mo at kaya na mag aral ka. 20yrs old dn ako ng nabuntis ako naghiwlay dn kmi kasi hindi kami nagkakaintndhn na marame na problema then may isang lalake na na nagmahal sakin at sa anak ko pinakasalan ako at kht my anak na ako nag aral ult ako kasi ayun ang gusto nya matupad ko pangarap ko yung hnd lang ako nakatali sa bahay. Naka graduate ako ng bread and pastry. Girl laging may pag asa nagkamali ka man sa una anjan si Lord gagabay sayo at sa baby mo. Wag ka matakot mahal ka ng magulang mo.godbless!at ngayon magkakababy nadin kami ng asawa ko. Kasalanan ang magpalaglag marame ang nais magkaank pero hnd nabibigyan kaya swerte ka girl.pray ka lang malalagpasan mo yan.

Naging kabit din ako nagbulag bulagan sa sobrang pagmamahal sa lalaking hindi naman dapat sa sobrang pagmamahal kahit mabunti ako ok lang kasi mahal na mahal ko sya. Pero one time naisip ko pano nga kung nabuntis ako im sure hindi nya pananagutan kasi nga KABIT AKO at may family sya kawawa yung anak ko at kawawa ako, evrytime na mkakakita ako ng buong family na masaya naisip ko gusto ko din nun gusto ko din yung buong pamilya pero pano mangyayari yun kung kabit lang ako. Kaya sabi ko ayoko ng ganito ayoko maging kabit lang that time sakto na kinabukasan is sunday gusto kung kausapib c lord nagpa opening pa ko sa work para makahabol ako ng misa sa gabi nagsimba ako kinausap ko sya huminge ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko nangako ako na aayusin ko yung buhay ko na alam kung hindi nya ko pababayaan nag thank you ako kasi ginsing nya ko sa maling pagiisip. after nun nakipag hiwalay ako sa boy sobrang sakit kasi nga mahal ko pero talagang tiniis ko sya talagang iniwan ko sya kasi nga gusto kung ayusin buhay ko. After 2 or 3 months nakilala ko yung asawa ko na ngayon yung tatay ng anak ko ngayon. Sobrang saya wala na kung mahihiling pa sobrang the best ni lord kasi binigay nya ko sa lalaking kaya akung mahalin ng totoo. Ikaw, ginusto mo yan tayo gumagwa ng kapalran natin kaya pls lang wag mo ng dagdagan pa ng pagkakamali ang isang pagkakamali. Try mung mag simba baka sakaling malinawan ka din.

Unwanted pregnancy din yung sakin, 3mos pa lang kame nang partner ko may nabuo na but still never nag sink in sakin na ipalaglag or what ang baby ko. Although may dalawang anak sa una yung partner ko. Ganyan din anf concern ko before dahil incoming 3rd yr college ako nitong nabuntis ako and sobrang laking tiwala ng parents ko na makakapag tapos ako bago ko pasukin ang buhay na ganto pero nangyare na ang di dapat mangyare pa. Nabuntis ako, natakot din ako ipagtapat sa parents ko pero si mama naintindihan agad at tinanggap nalang dahil nahahalata naren niya saken. Hanggang sa nalaman naden ng mga kapatid ko, laht den sila andito sa bahay pati isang tita ko. Si papa nalang ang di nakakaalam which is isa siyang ofw. Pero ngayon nalaman naren ng papa ko. Nagalit siya sa una oo, given naman na yon dahil pinag aaral pa niya ko but still natanggap naden niya dahil apo din naman niya to. Di pa nga lang niya ko kinakausap. I know na he still on process pa para matanggap ng buo tong nangyare saken and im looking forward na maging okay naden ng tuluyan. I am 21 years old, 7 months pregnant and my partner is 23 with 2 children sa iba/nauna pero ang pinagkaiba lang nga ng satin is yung sakin hiwalay na sa una pero yung sayo committed. Too complicated nga pero God knows best. Wag mong ipapalaglag yan dahil yan nalang ang meron ka sa ngayon. Sa una lang mahirap ang lahat tandaan mo. Hingi ka ng gabay Sakanya! ☝️🙏

❤️❤️❤️

Sis i already tried to abort my baby kasi hindi pa din ako handa bcoz im 19 yrs old and nag aaral pa mama ko lang nag papaaral sakin bunso pa naman ako tapos grabe expectation nila sakin. Pero alam mo habang tumatagal na sya aa tiyan mo tas makikita may heartbeat na mapapamahal kana lalo na pag naramdam mo ng gumagalaw sya aa tiyan mo. Pa 7months na ako buntis ngayon kasasabu lang namin sa parents namin nitong jan 24 and ayun magagalit talaga sila mawawala tiwala pero sa una lang yan di ako natiis ng mama ko. Sobra pa nga sila nag aalala kung nag pa check up ba daw ako ganyan ganito bastabaraw araw mo tatanggapin mga sermon nila ako araw araw ko naririnig sa mama ko na anlaki na ng kasalanan ko saknya pero labas tenga yon tas after non okay naman kami hinagyaan ko nalang ginusto naman kasi namin to eh so panindigan lahat ng sasabihin. Pero di ako nag try ng medicine para ma abort si baby nag para iinom at yosi lang ako noon. Pero nag stop nako nun kasi habang tumatagal sa tiyan ko si baby napapamahal na ako eh. Kaya mo yan sis lakasan mo lang loob mo pray ka lang lagi kasi habang buhay mo yan dadalhin kung papa abort mo yab trust me. Naranasan ko na yan nararanasan mo ngayon makakahinga ka ng maigi kung maaga pa lang sasabihin mo na yan sa parents mo. Ako sobrang stress non 6 months kong tinago baby ko. Goodluck sis wag mo patayin si baby wawa naman wala yan kasalanan. 😘 god blessed youu!!

Since naghingi ka ng advise dito, don’t expect na lahat magkakaroon ng sympathy sayo. There are moms here, legal wives, and women having difficulty getting pregnant. Parang di bagay sayo ang magpulis. Ang pulis dapat marunong sumunod sa batas at maging good example. You can’t be a law enforcer if you can’t follow the law. Una, gusto mo ipalaglag yang baby mo. Bakit mo idadamay yung walang kamuwang muwang? Ang daming gustong magkaanak pero hindi nabibiyayaan. Blessing yan kung tutuusin pero dyan pa lang sa part na yan, wala ka ng takot sa Diyos. Subukan mo magdasal neng. Baka sakaling maliwanagan ka. At for the record, illegal ang abortion dito sa bansa. At pangalawa, bakit ka pumatol sa may asawa? Bakit kayo ganyan? Nauubusan ba kayo ng lalake kaya kahit may asawa na papatusin nyo na? Siguro naman pamilyar ka sa concubinage? Tapos sasabihin mo na ayos lang kung wala sana silang baby? Sarili mo lang niloloko mo kung tingin mo ba mas better ka sa asawa nya. Bata ka pa. Kung may pangarap ka sa buhay, sana mas inuna mo pangarap mo kesa lumandi kaso wala eh. Too late. You can never turn back time. You will never know the damage you did until you experience it yourself at sana marunong kang ilagay ang sarili mo sa sitwasyon ng iba hindi yung puro sarili lang ang iniisip. 🙄

YESSSS!!! I agreed to you, ate!❤️ Love your words of wisdom!!!❤️

Alam mo buntis ako ngayun. Katulad mo hindi rin ako handa sa pagbubuntis ko ngayun kahit na pang 2nd time kona. Mula dun sa unang baby ko hanggang sa pangalawa hindi KO talaga enexpect. Kahit na iba iba ang mga ama nito, pero alam mo never akong nagsinungaling sa mga magulang ko kasi wala naman akong ibang mapagsasabihan eh, wala din akong ibang malalapitan kaya kahit na mahirap at subrang complicated ng sitwasyun ko tinanggap ko nalang yung magiging consequence ko kasi nandito nato. Aaminin ko minsan ng sumagi sa isip ko na ipalaglag to pero d ko nagawa kasi what if kung subrang kapit nya kasi ayaw nya talagang mawala sa sinapupunan mo eh d paglabas nya ikaw din yung mag susufer.. Kaya sis wake up. bata yan, blessing yan, kaya tanggapin mo yan kasi pag dumating yung time na need mona ng baby baka wala ng dumating sayo.. Remember ang daming gustong magka baby pero hindi binibinayayaan tapos ikaw sasayangin mo lang... Mag isip kang mabauti sis pag itinuloy mo ang pagpapalaglag mo baka magsisi ka sa huli. Kung mga magulang mo naman ang pinoproblema mo I'm sure na matatanggap ka nila kasi anak ka nila at apo nila yang dinadala mo, subukan mong sabihin sa kanila ang totoo wag mong itago dahil hindi mo naman matatago ang pagbubuntis mo, lalaki at lalaki parin yan, kaya hanggat maaga pa sabihin mona para d lumaki yung problema!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles