Pregnancy depression
Hello po. Gusto ko lang magshare at malaman kung may mga makakarelate sa akin. Sobrang depressed po ako sa lahat ng bagay. LDR kami ng partner ko, dinadalaw niya lang ako every 2 weeks. Mahirap para sa akin na walang partner na masandalan kasi malayo siya. Lalo na't sobrang sensitibo ng pagbubuntis ko, palagi akong nakahiga at nahihirapan kumain. Problema ko rin ang pera kasi breadwinner ako. Ako pa rin nagpapakain sa pamilya ko. Umaabot ng 27k bills ko sa isang buwan kasi marami kami. Nagaaral pa mga kapatid ko. Hindi kasi wais sa pera mga magulang ko kaya ako ang nagpapakahirap. Napapagod na ako sa lahat, sa totoo lang. Malayo na nga yung partner ko, wala pa akong maasahan sa gastusin, puro ako. Hindi na nga ako makabili ng gamot ko, laging tig-kalahati lang ng reseta sa akin. Kasi sobrang laki ng gastusin ko, hindi na kasya sa gamot. Kaya ko sana to kung mag-isa ako sa buhay. Kung lahat ng pera ko ay sa akin lang. Kaso ang dami kong binubuhay. Napapagod na akong kailanganin ng pamilya. Napapagod na ako sa lahat. Hindi ko na po alam anong gagawin. Suicidal na rin ako. Mas maigi kasi kung mawawala ako kaysa araw araw naman akong nasa impyerno.