Not pregnancy related, i'm just emotional.
I'm 14 weeks preggy, nagiging emotional ako ngayon kasi naiistress ako lagi. Nakikitira kasi kami dito sa byenan ko, stay in ang asawa ko kasi medyo malayo yung trabaho nya kaya dito muna ako sa byenan ko kasi nga buntis ako. Wala man lang ako makausap π wala akong kaibigan na pwede makausap o masabihan ng mga problema ko. Sobrang hirap dito sa bahay ng byenan ko kasi nakakakain lang ako ng maayos pag umuuwi ang asawa ko, pag wala sya di ako nakakapag almusal sa umaga kahit pandesal lang. Samantalang yung byenan ko nagkakape at pandesal, di man lang nagtitira kahit isang pandesal. ,π’ binibigyan ako ng asawa ko ng pera pambili bili ng pagkain kasi nga di ako pwede magpagutom, kaya minsan nakakabili ako pero ilang araw lang din kasi pag alam ng byenan ko na may pera pa ako hihingi ng hihingi hanggang sa maubos yung pera ko. Kapag wala na akong pera, saka nila gagastusin yung pera nila tapos ayun nga sila sila lang yung nag aalmusal. Bawi nalang ako lagi sa tanghalian at hapunan. Lagi din sila nagmemeryenda , hindi ako inaaya. Ayoko rin manghingi kasi di naman ako niyaya para kumain. Samantalang pag ako may pera, ang bait2 ng byenan ko, pauunahin pa ako kumain. Pero pag wala na ako maibigay, sila lagi nauuna kumain, para lang akong tautauhan dito. ,π’ gustuhin man namin bumukod, wala pang budget ang asawa ko. Di kami makaipon kasi kami lahat gumagastos dito sa mga bills sa tubig at ilaw. Kami bumibili ng bigas at ulam at nagbibigay pa sya ng pera sa nanay nya. Nakakalungkot lang, andami kong gustong gawin, hindi ko magawa. Gusto ko magluto ng pagkaing gusto ko, hindi ko magawa kasi gusto ng byenan ko ang gusto nyang ulam ang dapat na lutuin. Yung mga kaibigan ko, hindi man lang ako kinukumusta, yung mga kapatid ko puro busy. Sino nalang kakausapin ko?..π’ asawa ko busy din palagi sa trabaho. Di ko rin masabi lahat sa kanya mga hinanaing ko kasi puro "kawawa ka naman" yung sinasagot nya sa chat ko. Yun lang nasasabi nya kasi wala syang magawa. Sa totoo lang di ako masaya sa naging buhay ko ngayong may asawa na ako. Feeling ko lagi akong nakakulong dito. Nakakalabas lang pag may pera na pambili. Mabait naman ang asawa ko. Di ko alam kung paano ko maiiwasan ang stress. Minsan naiisip ko sana hindi na ako magising sa umaga. Tuluyan na akong makatulog. Pero ayoko naman madamay ang baby ko. Minsan gusto ko ng magsisi, bakit kaya nag asawa pa ako kung ganitong buhay lang ang mararanasan ko ngayon. Pero nasa huli naman lagi ang pagsisisi. Hindi ko naman alam na ganito pala ang mararanasan ko ngayon. Pasensya na sa mga makakabasa. Wala lang kasi ako mapaghingahan ng sama ng loob at lungkot nararamdaman ko ngayon. Feeling ko susuko na ako. π’π’π’