Depress

Sobrang depress ko na mga mommies. Yung partner ko di man lang gumagawa ng paraan para makapagtrabaho. Lagi niyang sinasabi hinihintay na lang daw kung kelan siya aalis papuntang Saudi pero ilang buwan na wala parin. Imbes na itrabaho niya sana yung paghihintay niya, ayun tambay sa kanila. Malapit na akong manganak pero di ko pa nababayaran yung philhealth ko kahit pagpacheck up di ko magawa kasi wala akong pera. Walang wala na din yung mga kapatid ko tsaka ayokong maging pabigat sa pamilya ko. Ayaw naman niya akong papagtrabahuhin pero wala naman siyang ginagawa para man lang may pangkain sana ako sa mga cravings ko. Paadvice naman

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din ama ng anak ko! Mag ex na kmi now pero nangako sya na ttulungan nya ako at pananagutan nung 2mons pa lang tyan ko. Pero manganganak nako wala syang naibigay sakin khit piso. Nakakastress kaya 4mons plng tyan ko nun nung ngstop n ako sa work kasi nagbleeding ako. Sa restaurant ako kaya mejo magalaw at madami gingawa kaya no choicr kundi magresign buti nlng di ako pinapabayaan ng magulang ko khit msama loob nila kasi nabuntis ako. Khit ano pa idaldal nila tiniis ko kasi sila rin naman makakaintindi sa akin at mttulungan ako. Yung ex ko ayon walang trabho pero may jowa saan kapa? Naggawang magjowa pero wala maibigay kahit pambili ng gamit ni baby at pacheck up puro pangako. Kaya sis doon ka muna sa magulang mo sila din makakatulong sayo at makakaintindi sayo.

Magbasa pa

Hi everyone! Ako yung nagpost niyan! Luckily, okay na ako ngayon. Yung ate ko yung nagbigay ng pangpanganak ko tsaka binigyan din yung ng 11k yung partner ko ng mommy niya. Inimergency CS ako pero konti lang naman yung binayaran namin sa ospital. After 2 months kung manganak umuwi na yung mama ko galing ibang bansa kaya balik na kami sa bahay. Pero after nung nanganak ako andun ako sa bahay ng partner ko nakatira kasi walang mag aalaga sakin sa bahay, sobrang payat ko nga lang dun pero nakasurvived naman. ☺ Thank you sa concern niyo! Yung partner ko nga pala, ayun medyo naging masipag naman sa pagtrabaho after kong manganak. Nakita niya siguro na paubos na yung gatas ng mga anak niya.

Magbasa pa

Better go home to your family. Mas less stress kasi irresponsible po yang partner mo. Dapat nung nabuntis ka naghanap na siya ng trabaho at alam nya magastos ang mabuntis, manganak at magpalaki ng bata. Your family can help you kaya dun ka na lang kesa naman dyan ka sa lalakeng walang silbi.

VIP Member

Kung ganyan momsy uwi kna lang muna sa inyo kc khit pano dka nmn cguro pabbayaan nang magulang kc kung anjan klang pano na pag nanganak ka lalo ngayon sa mga hospital ang mhal nng bbyran mo tapos dka dn pala nag hhulog sa Phil-health ang hirap nyan.

Awww stress nga yan sis! Mtgl n xang wlang work?pano pg mngangank kn cno ggastos?ask mo kya partner mo.dpt n momonitor kn ng ob mo and pilhealth is big help tlg

5y ago

Matagal na po siyang walang work. Laging sinasabi pupunta na daw siya ng Maynila para sa loan niya para pag nandun na siya sa Saudi ihuhulog na lang sakin yung pera kaso nauna pa umalis sina Mama pabalik ng Korea. Ilang buwan na akong nag aantay sa pag alis niya papuntang Manila. Feeling ko nga inaasa niya sa pamilya ko lahat porket alam niyang may kaya kami pero di niya alam na madami din binabayaran yung pamilya ko

uwi ka nalang po muna sa inyo ma. walang mangyayari kung anjan ka lang. and kung nanganak ka malamang parents mo rn tutulong sayo.

Sa San Lazaro Hospital cleaning aid na work kailangan dun may ppe din naman for them ang 1k a day.

Umuwi ka muna sa pamilya mo. Saka ka bumalik kung may trabaho na sya. Or sure na aalis na sya