Napapagod na ko.

Hirap na hirap akong patulugin si Lo, ginagawa ko naman lahat todo hele, every 3 hrs palit diaper tsaka dede, dim light with music pa pero waepek parin. Gigising sya ng 12 am tapos hanggang 6 am na sya gising hindi na natulog worried na rin ako kasi ang haba na ng oras nyang gising at the same time napapagod na rin ako sobrang stress ko na halos wala akong pahinga kasi ako lahat sa bahay pati pagaalaga wala akong katuwang. Di ko naman maasahan ang partner ko maski sya paasikaso rin kesyo napapagod daw sya sa opisina ayaw naman nya kumuha kami ng kasambahay. Minsan naiisip ko gusto ko nalang mawala hays😔☹️#ftm

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

magkaron po kayo ng routine sa arw araw pra di po kau mahirapan.baby ko kabisado ko na ang oras ng gising nya,pagdede at pagtulog.suggest ko lng din mi gawa ka ng duyan made of kumot ,dito talaga bumait at humaba ang tulog ng baby ko lalo na s umaga aftee nya maligo ang dami ko nggwang gawaing bahay.at sa gabi pg pptulugin ko na sya ng 6 or 7 pm after punas..then pgka matutulog nako inaalis ko n sya sa duyan at tabi na kami matulog.magising man sya dedede lng tpos tulog uli hanggang umaga.kaya mhaba nadin po tulog ko.btw mag 4 months napo baby ko.sinanay ko po sya ng ganito mula 2months sya.

Magbasa pa

Try niyo po adjust tulog niya sa daytime. Like pag gising niya take a bath then sleep, after 2-3 hrs kapag nagising mag play po kayo hanggang 1 - 2 hrs. Saka niyo po patulugin ulit nga hanggang 2-3 hrs. Tapos gising na siya ulit and play na kayo. After po, mag wash na siya or magpunas. After po non dim light na kayo para po masanay si Baby na ganun ang routine. Ulit ulitin niyo lang po kasi process po yan.

Magbasa pa

if gising si baby sa madaling araw, maaaring mas mahaba ang tulog nia sa daytime. my hubby adjusted sleeping pattern of our baby gradually para hindi kami mahirapan since were both working. 1-2hrs ang nap sa morning, 1-2hrs ang nap sa afternoon. 10-11hours overnight.

Magbasa pa

Hello. Ganyan din po kmi nung 1st 2 months. Lalo n nung 1st month, preterm p si baby. Halos wala na din ako tulog nun una. Pero ngayon 3months na sya, panggabi na yung tulog ni LO.