Mag aral or mag stay muna sa bahay para alagaan si baby habang maliit pa sya

Hello po, gusto ko lang mag labas ng nararamdaman ko. First time mom po ako, and btw i am 21 years old. Nung hindi ko pa alam na buntis ako, nag aaral ako that time and I was in my 3rd year college kaso nag stop po ako dahil gusto ko healthy ung pagbubuntis ko at hindi puro stress lalo na ung sitwasyon ko that time ung bf ko nag cheat sa akin then fam prob nagsabay sabay so i sacrificed my studies. Nag stop ako ng 1 yr hanggang manganak ako this year february. Kaso sabi po ng mil ko, continue ko na daw po pag aaral ko this year sya nalang mag aalaga sa anak ko. Kaso parang hindi ko pa po kaya. Parang ang hirap hirap iwan ng baby ko, lalo na 6months palang sya kung sa august mag aaral na ako. Lalo na nagpapadede din po ako. Gusto ko icherish yung moment namin together while she's still a baby. Pero iniisip ko rin yung pangarap ko para sakanya, na kung maka graduate ako agad e mabibigay ko ung mga needs and wants nya pag nag work ako. Hindi ko alam kung paano magdedesisyon. Kung mag aral naba ako or mag stay muna ako sa bahay para alagaan yung anak ko. Sa mga first time mom po ba, ano po ginawa nyo after manganak? Nag stay lang ba kayo sa bahay? Nagtrabaho naba agad or nag continue ng pag aaral?? Pls give me advice naman po. Tia. #FTM

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

July EDD ko sis,and I made a promise na na kapag andto na si baby magiging hands on Mom ako kase it's something na dko naranasan sa parents ko. Ayoko maulit yung ganong scenario na wala yung magulang sa tabi ng bata. Same tayo sis,graduating na din sana ako ngayon OJT nalang kulang kaso nabuntis ako. Kaya sabi ko,uunahin ko si baby kse ayoko gayahin magulang ko na nandiyan nga pero parang anlayo nila. Sobrang hirap nun sis.

Magbasa pa