Mag aral or mag stay muna sa bahay para alagaan si baby habang maliit pa sya
Hello po, gusto ko lang mag labas ng nararamdaman ko. First time mom po ako, and btw i am 21 years old. Nung hindi ko pa alam na buntis ako, nag aaral ako that time and I was in my 3rd year college kaso nag stop po ako dahil gusto ko healthy ung pagbubuntis ko at hindi puro stress lalo na ung sitwasyon ko that time ung bf ko nag cheat sa akin then fam prob nagsabay sabay so i sacrificed my studies. Nag stop ako ng 1 yr hanggang manganak ako this year february. Kaso sabi po ng mil ko, continue ko na daw po pag aaral ko this year sya nalang mag aalaga sa anak ko. Kaso parang hindi ko pa po kaya. Parang ang hirap hirap iwan ng baby ko, lalo na 6months palang sya kung sa august mag aaral na ako. Lalo na nagpapadede din po ako. Gusto ko icherish yung moment namin together while she's still a baby. Pero iniisip ko rin yung pangarap ko para sakanya, na kung maka graduate ako agad e mabibigay ko ung mga needs and wants nya pag nag work ako. Hindi ko alam kung paano magdedesisyon. Kung mag aral naba ako or mag stay muna ako sa bahay para alagaan yung anak ko. Sa mga first time mom po ba, ano po ginawa nyo after manganak? Nag stay lang ba kayo sa bahay? Nagtrabaho naba agad or nag continue ng pag aaral?? Pls give me advice naman po. Tia. #FTM