Newborn baby sleep routine

Hello po. Ftm here. Ilang weeks pwedeng i sleep train si baby? Ksi ngayon, ginagawa nyang araw ung gabi.. tapos sa araw, tulog na tulog kht na mag ingay kami di nagigising. Tas pagdating ng gabi 1-3am very fussy sya, 6 days old plng sya. Every 2 3 hrs nagdede. Pti ba ung diaper may sinusundan time na palitan kahit hndi naman basa or nagpupu? Sensya na wla makatuwang po e .

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal po yan sa newborn or infant tapos meron pa yan silang growth spurt stages na pabago bago Ang tulog. tiis tiis lang po. ganyan po ako dati nafufrustrate tapos breastfeeding pa sya, ayaw nya tlgang magpababa gusto laging karga habang nkadede, feels like forever Ika nga. pero di naman sila forever baby. nag aadjust pa Kasi sila sa outside world dati Kasi Yung womb lang Mundo nya pero ngayon naguguluhan na sya. try nyo po mag white noise tsaka naka dim light lang sa gabi tapos I swaddle nyo din po. nanonood lang ako nun sa YouTube ng tips. Yung sa diaper naman mga 3-4 hrs palitan na.

Magbasa pa

Si lo ko po simula inuwi ko po sa bahay from hospital sinanay ko na maliwanag at normal ang noise kpag natutulog ng daytime. Sa gabi po bago mag 7pm pinupunasan ko na po siya at pinapalitan ng pantulog. Then dede po siya, paburp at hele. Mahimbing sleep niya sa gabi though ginigising ko pa din para dumede siya. Kaya po wala akong problem at nakakasabay ako ng sleep sa gabi. Now he's 4 months 😊

Magbasa pa
VIP Member

Since day 1 ng baby ko nag sleep train na kmi, good thing po kase sanay din kase kming mag asawa matulog ng 8pm at talagang lights out pag natutulog na kmi , tas sa araw nman sadyang maliwanag sa bahay nmin khit walang ilaw , maging consistent ka lng mii.

Since birth sinanay ko na may sleep routine si baby. For the 1st 2 months, pagising gising sya every 2-3 hours sa gabi para dumede pero after non onti onti na nabawasan yung gising nya sa gabi, masarap na tulog namin parehas

Gawin mo mii pag tulog sya sa araw dapat wag madilim,ibukas mo bintana para may naaninag sya then wag masyado tahimik. Tapos sa gabi pag tulog sya lagay ka lang ng dim light.

normal yan sa 6days old . train mo pwede nman na kung mamamaintain mo yung routine.