Placenta previa. Anong buwan makikita sa ultrasound?

Hi po.. Before kasi I was diagnosed with placenta previa. Di po nakasurvive ang baby ko.sobrang bleeding po ako nun. Mga 10 years na nakakalipas na nangyaro. Nag labor ako ng 34 weeks pa lang ang tiyan ko dati. Medyo worried ako now..na Baka maulit. Buntis po ulit ako now after 10 years.. Nung ultrasound ko nung 12 weeks wala naman nabangit tungkol sa kung previa ba ako or hndi. Possible po ba na di na ako previa ngayong pregnancy ko? Salamat po..

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

12 weeks ultrasound nakita na position ng placenta sakin. Low lying cia that time. Tapos another ultrasound ng 17 weeks high lying na cia. Need mo lang cguro lagi pacheck up and ultrasound Mi. Ung position ng placenta wala talaga kasi makakapag sabi nian. Basta importante monitored ka. If me nararamdaman ka kakaiba contact agad OB. Mas advance naman na technology ngayon. Mas kaya na mag handle ng high risk cases. Hanap ka lang magaling na OB. Sorry about sa baby mo 😞 Pray lang din lagi Mi.

Magbasa pa
2y ago

Thank you.. Every now and then namna nag update ako sa ob ko. Di lang ma alis worries ko sa placenta previa.. Nung 12 weeks ko wala naman silang na trace and now I'm requesting for another ultrasound sa 18 weeks ko para nagkaruon ako ng peace of mind.