Placenta Previa Totalis

Ilang weeks kayo mga momshie nag spotting/bleeding? I was diagnosed na placenta previa totalis. Since 8weeks until now 22weeks na ko nagsspotting pa din ako 😭 nakakastress na. First time momma here ❤

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same here sis! previa ako since 15weeks then hindi na talaga nag iba, akala ko nun hindi delikado kasi nagwwork pko then bus sinasakyan k every weekend, then pagsampa ko ng 25weeks nagstart nko mag bleeding naconfine pko ng 5days then tinurukan ng pampamatutr ng lungs si baby just in case na maagang manganak, since then nagresign nako then pinalaki namin si baby kasi tlgang prone tau sa mga bleeding at spotting, nagbedrest ako then 3xaday yung duphaston ko nn, ok naman cya until sumampa ako 33weeks prang naninigas yung tummy koh then bigla nanaman ako nag bleeding, kya ayun, ung supposedly sched cs ko eh naging ecs p.. premature si baby kaya naincubate pa cya ng 2weeks, pero ngaun super likot at healthy na nya @6months.. bsta sundin mu ob mu.. magbedrest ka lang sis, wag makulit! pag ganyan na nag spotting or bleeding ka gat maari tatayo ka labg pag mag ccr.. pra sanyo din ni baby yan sis. gudluck!

Magbasa pa
4y ago

Ako din ilan beses bleeding katapos lng din ako mag pa inject nung steroids.sana mkaabot sa 36weks kasi 28weks palang me now.

same case at 14 weeks i was diagnosed placenta previa, after a week nag spotting na ako, minsa brown, light brown or pink and red. Now I'm 18 weeks heavy bleeding nako, i was admitted from the hospital recently and nakauwi naman na pero ganun pa din heavy bleeding, i have meds and bed rest lang but no improvement. nakakapagod na mag isip ng mag isip, Pinapag pray ko nalang lahat. 3x a day din ako nag petal doppler to monitor the hb of my baby.

Magbasa pa
4y ago

hi mommy pag nagblebleed kpo ba may lumalabas na buo bu0 na dugo?

ako twice spotting, once bleeding dahil din a placenta previa totalis. 1month na ako complete bed rest, no sexual contact at inom ng duphaston at duvadilan. awa ng Diyos, di na naulit. except sometimes meron brown spotting. on oct 8, malaman ko if nag okay na ang placenta namen ni baby. always hoping and praying for that to happen. ingat po lagi, sundin lang po payo ni doc.

Magbasa pa

ako nalaman ko placenta previa ako 5months. Then nag starting nako mag bleed 6months tummy ko. then 8months nanganak ako premature si baby kaso after 1month and half namatay sya😢 dont worry mommy pray lang and bed rest lang and regular check up kay ob. goodluck🙏🙏😇 and now i'm 4months pregnant😇😇😇

Magbasa pa

same case, 15weeks nung nalaman kong placenta previa totalis ako, 22weeks na ko ngayon pero never naman po ako nag spotting. bedrest at bawal matagtag sabi ng ob ko, iwas muna din sa mga pagkain na nakakapagpatigas ng poop para di mpwersa pag magbabawas😊 Pray lang po mommy, wag po papa-stress nakakasama kay baby.

Magbasa pa

I had complete placenta previa on my 20th week. -Advice ng OB ko na itaas ko balakang ko for 30 mins. Mga 2 unan ang ilagay sa pwet ko. -Duphaston -isoxilan -No contact pero hindi namin nasunod ni hubby. 😅 -Bed rest Nagpa BPS ako last month. 32 weeks ako nun and high lying na ang placenta ko.

Magbasa pa
4y ago

Hindi pa ako nanganganak. Hehe. 36 weeks palang ako. Pero sabi ni OB na okay naman daw lahat so we're pushing for a normal delivery.

sabi po ng matatanda maglagay daw po unan sa pwet pag nakahiga at itaas paa. baka po makatulong. ganyan din ako last pregnancy ko. nagstart bleed ng 13weeks but unfortunately, di na nakasurvive si baby at 17weeks due to other complications. sana maging ok ka na soon.

ako since nalaman ko buntis ako bedrest ako 26weeks preggy nako mommy..ng spotting and minsan heavy bleeding pa..placenta previa din ako.. pero now kakacheck up ko lng kanina..thank god ok na placenta ko..tumaas na sabi ni ob..

4y ago

after nung last check up ko mommy..nakita tumaas na..di nako ng heavy bleeding or spotting..pero ng iingat pa din ako..

Ganyan din po problema Ko 13weeks na po ako buntis nag spotting din po ako hanggang ngayon bedrest lang po ako kapit lang po tayo Kay lord di nya po tayo pababayaan 🙏🙏🙏😇😇😇

ganyan din ako sis. may spotting talaga. nag stop lang nung nag take na ko nag heragest and isoxsuprine.