Ayaw palapag ni baby.
Hello po? Ano po pwede kong gawin ayaw mag palapag ng baby ko 25days old na po sya and simula ng pinanganak ko sya gusto nya lang palagi ng karga or buhat, pag nilalapag po wala pang ilang minuto iyak na sya agad. 25days nadin akong puyat ngalay na ngalay na braso ko hehehe. Any tips po ano pwede gawin? Thankyou in advance.
Konting tiis mamsh, enjoy every moment kasi mamiss mo yan pag medyo palaki na sila hehe. Ganyan din baby ko noon. Talagang umiiyak na ako sa puyat, pagod at stress. Breastfed plus ayaw pababa. Ang ginagawa ko nalang para makapagpahinga onti at makatulog kahit pano, nakadapa siya sa dibdib ko matulog. lagay unan sa paligid pang suporta sa braso ko at likod ko para iwas ngalay. Pag naman hindi nakadapa pwesto niya, craddle position, lagay pillow sa ilalim niya at pillow pa din sa braso at likod para medyo kumportable
Magbasa paAko inaaliw ko si baby gamit ng ingay ng baby wipes yung balot nya niyuyukot yukot ko tapos gumagawa ako ng lobo na gawa sa plastic labo 🤣every little thing works laruan na kumakalansing duyan oh kaya sound na iyak ng baby or tawa ng baby
same momsh! ayaw palapag ni baby, kahit may white noise, at ayaw niya din sa swaddle kasi lagi siyang nag uunat. Pag nilalapag ko naman laging nagugulat kaya nagigising agad. nakakapagod araw araw. di ko din alam kung ano next kong gagawin.
Same mi. Lahat ginawa ko na ayaw talaga nya 😪
pagkinarga mo sya huag mong unga ingain.. kasi masanay yan sila ... baby ko di ako napapagud kasi kinarga ko lang sila di ko sila inuugaling i yog yog mo hanggang sa matulog ilagay ko lang sila tas padede tas yon matulog na.
Ganyan Rin c baby ko kahit Hanggang ngaun. 😂 ayaw Rin palapag kaya simula non Lalo na sa Gabi sa dibdib ko na sya pinapatulog , until now. makatulog lang sya ng mahaba kapag nasa chest ko.
7 months na c baby ko ngaun. mailalapag ko lang sya sa bed pag ngalay na ko or may Gagawin at papakiusapan ko na lang na tulog lang sya para makatapos lang Gawain. masarap sa pakiramdam ung clingy sila satin.
balutin mo po si baby ng swadel malaking tulong po ung para mainitan sya at feeling nya nasa loob padin sya ng tummy ni mommy nagugulat kasi yan or di sya komportable kapag ganyan
swaddling for moro reflex, feeding pillow para sa ngalay and white noise during sleep ni baby (don't use your phone kay baby, speaker lang ilapit mo or buy ka ng white noise na gadget)
Sige mamsh try ko yan thank youm
Try niyo white noise, like sound ng fan niyo, or music or anything na may sound wag lang yung loud masyado yung tama lang
If hindi po magwork yung relaxing music white noise po, sometimes yung iba tunog ng vaccum yung pinapakinig nila, but meron po akong nakita sa Lazada na gadget for white noise.. Try niyo po.
Swaddle mie. Hayaan niyo lang matapos inat niya tsaka niyo lagyan tapos buhatin ulit. Try mo Halo swaddle na brand.
Try lang ng try mie kahit naiirita na siya after mag inat. Kakalma din siya pagkaswaddle at pagkabuhat mo
try swaddling and baby wearing po
effective un way ng pglapag. gngwa ko rin un.
i am now officially a mommy ♥️