Meron Pa Bang Loyal Husband Ngayon?

Hello po. Advice naman po sa mga matatagal na po magasawa jan. Like mga 10years pataas. Medyo natatakot lang kasi ako sa future namin ng LIP ko. Mag 1year pa lang kami pero balak na namin magpakasal. Parang iniisip ko lolokohin nya din ako after ilang years kasi ganon naman ata talaga nature ng mga lalaki. Nasa DNA na ata nila un. ?Recently lang, nahuli ko sya gusto nya kitain ex nya. Nabasa ko sa messenger nya. Umiyak ako at nagwala ako sa bahay dahil sobrang nakakainsulto sakin. Nakipaghiwalay ako pero sinuyo nya ko na di na daw nya uulitin. Pinagbigyan ko sya. Pero di ko na maalis sa isip ko na katagalan eh baka mas malala pa gawin nya sakin. Naagapan ko kasi eh kaya di sila nakapagkita. Iniisip ko din na baka mabored sya at dun na sya maghahanap ng kalandian. Di ko lang talaga maiwasan magisip na lahat ng lalaki dadaan sa ganong phase na mambababae. Minsan iniisip ko hiwalayan na lang sya. Kesa tumagal kami at lokohin nya lang ako. May husband pa po ba na loyal? Ung kahit tumingin sa iba di nya ginagawa? Ung never pa kayo niloko? Etong lip ko po kasi di sa pagmamayabang pero may chura po sya kaya lagi akong praning.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes. Naniniwala ako na may husband pa din na loyal. 1 year and 3 months pa lang kami married ng husband ko. 2 months pa lang siguro kami as boyfriend/girlfriend when he asked me to get married and i said yes. So nung 8 months na kami, nagpakasal na kami, civil wedding pa lang. Gwapo husband ko, mukhang korean. Ciempre nung una, di ko cia inientertain kasi nga gwapo natatakot din ako na baka di ako seryosohin at lokohin lang ako. Pero 2 years nia din ako hinintay, so dun ko napatunayan na seryoso, sincere at gusto talaga nia ako. Tapos, ayun di nga nagtagal nagpakasal kami. And then when i got pregnant, dumating din ung instance na may nabasa ako sa messenger nia na chat ng babae na hindi ko kilala. Hawak ko phone nia kasi nagbabrowse lang ako sa instagram tapos biglang may nagpop-up na message. Ciempre tiningnan ko, binasa ko. Wala naman ciang sweet messages pero ung girl pacute magchat. Ciempre ako as wife, masakit para sakin un. I confronted him, kasi ayoko tumagal ayoko lumala at lumalom pa ung pag uusap nila. At the very beginning, alam nia kung ano ung takot ko, i came from a broken family at ayoko mamgyare sa magiging pamilya ko un. Kaya kinausap ko agad cia, sinabi nia na chat lang un. Hindi nia rin kilala personally ung girl. So he promise me na hindi na cia makikipagchat kahit kanino na babae na hindi ko kilala. Ginagawa naman nia hanggang ngayon. Nabawasan ba trust and love ko sa kanya? No. Kasi after nung nangyare, mas pinaparamdam nia at pinapakita na kahit anong mangyare di nia ako ipagpapalit sa iba. Ung sinasabi mo na baka mabored cia at maghanap ng iba. Bakit naman nia gagawin un? Boring ka ba na tao? Para sa akin, gawin din natin ung part natin bilang wife. Pagsilbihan mo husband mo, isipin mo ung mga pwede niong gawin para magbonding kayo. Make more good and happy memories para hindi cia mabored. At hindi rin boring ang relarionship nio. Good communication ang kelangan to keep your husband loyal. Wag masyadong mahigpit din, hayaan mo ciang magkaron ng privacy paminsan minsan. Ikaw din, dapat may privacy ka din. It will help you both to grow as individual. Wag masyadong mahigpit sa cellphone/gadgets, ung tipong chinicheck kung sino mga katext, kachat. Lahat ng social media apps tinitingnan kung sino nilike ni husband na post. Tapos kelangan alam pa password and passcodes. Wag ganun, kasi kapag ginawa mo un, lalong maglilihim at magiging unfaithful sayo husband mo. Sa amin ng husband ko, alam namin pareho passcode ng phone namin pero hindi yun para icheck ang phone ng bawat isa. Give your full love and trust to your husband.

Magbasa pa

Hi sis! Going to 15 years na kmi.. 2 years bf gf and the rest married life... b4 naicip ko yn na lht yta dadaan tlg sa gnyn pra subukin kng hnggng saan kau at pra lalo kau tmgal.. b4 nagkaron kmi ng issue lalo na nun may facebook pa kmi.. nkkpg chat sya sa iba, nagviview din sya ng mga girls. Nahuli ko un tps un x friend ko may nkwento pa sa akin about him. Ang tangng nkita klng chat nya sa ibng girls. Wla nmn aq nhuli anything pero enough na for me na mgalit sknya nun nlman ko un. Sbrang ngulo lht. Nwaln aq ng gana tlg sknya pti sa fmily nmn. Umuuwi lng aq pra matulog tps ppask sa work nagppagabi nq ng uwi. Tps nag kaayos kmi paulit ult aq nag interrogate sknya hnghng sa ma satisfy aq sa mga sagot nya. Ksi may tym p nagsinunglng sya skn. Sobrng hrap ibalik un trust as in pinagbgyn ko sya pro pinafeel nmn nya s akn na wla tlg. I think for me ha lht dadaan sa gnyn. Pero nsa inyo un kng go pa or stop na... sobrang dmi nyo maeencounter iba iba trials. Andyan un kaw magbbago in a worst way or un husband mo. Bsta always open dpt commnctn nyo. And kht mhrap magbaba ng pride (as in sbrang hrap on my part!) Need tlg pra mag work ang relationship nyo. Plus pakikisama ndi porque mag asawa na kau ndi na kau makikisma I mean kaw dpt lgi pgbbgyn ksi ddtng tym mggng opposite lht... this is for my own xperience ndi ko alm sa iba...

Magbasa pa
5y ago

Ok na kmi.. as far as I know ndi na... ksi sis mga lalaki kht itali mpa at bantayan mo kng gusto tlg nla magcheat wla tau mggawa. E aq ayw ko maparanoid. I know my rights at pg gnawa nya un may kalalagyan sya.. plus I know na sbrang mhal nya mga bata kya alm ko takot din sya masira sa mga anak nya.. just enjoy ur life.. bka malosyang lng tau kakaisip sa gnyn... stay positive nlng sis

VIP Member

Going ten years married na kami ng husband ko. 15 years if you count yung mag bf-gf pa lang kami. I asked my husband once kung bakit sa tingin niya hindi siya mambababae, ang sabi niya sa akin he likes our life together, the life na we built. Ayaw daw niyang masira yun kaya nagpapakatatag siya kahit may tukso. Yun lang daw talaga ang iniisip niya. If you care enough about something, hindi ka gagawa ng bagay na ikakasira nun. Siguro dagdag na din na alam niya na mahal na mahal ko siya pero hindi ko ikamamatay kung mawala siya. Sinabi ko din na deal breaker sakin kung mambabae siya. For me, being married is a choice na you have to make every day. Commitment talaga yan. Talk to your partner. If he is not all in, then there's no sense na magpakasal kayo. Magastos magpa-annul.

Magbasa pa
5y ago

Korek. Pero may caveat yan ha. If gusto mo na hindi mag cheat sayo ang asawa mo, be the partner na you want to be with. Kumbaga if you demand loyalty, dapat loyal ka din. You get what you give. Hindi pwedeng nagdedemand ka na suyuin ka at alagaan ka pero hindi ka naman malambing at maalaga. Dapat pareho kayong may effort.

Kung may duda kna wag na Po. Hindi Yan healthy.. sa umpisa palang red flag agad. Pag sisihan mo sa huli ung mga signs n binalewala mo nung una plang.. mas ok Kung 60+ age k manghingi ng advise regarding marriage.. bago ako ikasal blessed ako Kasi madami akong matatanda n nakausap. Kaya kahit papano d n ko nagugulat.. pero pinka nagustuhan ko sa advice nila Yung ayusin mo Muna excess baggage mo bago ka mag pakasal. And make sure ung papakasalan mo wla ding excess baggage..like problem sa family and childhood eme.. mag rereflect Kasi Yun sa family n bubuoin niyo. And know him truly.. wag padalos dalos. Wag pilitin pag pkiramdam mo d ka ready, Kasi pag kinasal Kayo wla n Yan atrasan.. baka matulad k sa karamihan n divorce Ang gusto.

Magbasa pa

Kami hindi pa naman kami 10yrs talaga pero nakikita ko sa asawa k yung material husband talaga siya like ang tagal nanamin pero walang pagbabago sa pagsasama namin sa treatment niya sakin lalo na sa mga bata. Mahirap din kasi yung ganyan nasuyu ka niya agad so ibg sabhin kahit ulitin niya magsususyu lang siya okay na ulit, okay din naman na parehonkayong mag work out sa relasyon niyo hanapin o isipin niyo yung bagay na hinahanap o gusto niyo then gawin niyo meron din naman na huwag muna kayo magpakasal kasi baka magkasawaan pwede din yun bantayan niyo parin muna ang isat isa aralin niyo muna yung ganyan sides ng isat isa. Masarap padin yng kahit araw araw na kayong magkasama miss na miss niyonparin ang isat isa.

Magbasa pa

ndi ako nabibilang sa married couple (soon to be) but i asked my partner before about jan kc we had one baby na. i asked him kung what if temptation comes when we get married and fyi po muslim sya kaya nsa utak ng mga ibang religion is pde clang mg-asawa more than one. he answered me "bkt ako mghahanap ng ibang babae or gagawa ng alam kong ikasisira ng binubuo kong pamilya kung sa sarili kong pamilya plng hirap nkong buhayin." my point. both of you dapat ready kayo igive up ang pgkadalaga at binata but sa generation kc ngyn mas lumakas loob ng iba pra gawin ung kalokohan. just think before you get married with the broken foundation.

Magbasa pa

Kung gnyan lagi mindset mo mamsh na lolokohin ka lang wag kna magpakasal. kasi everytime magkakaproblema kayo iisipin mo na makipaghiwalay, pag kasal kayo mahirap kumalas mas OK pag live in nlang para kung makipag hiwalay ka wla nang mga legal separation na mangyayari. Hindi naman lahat ng lalaki ganun sis like kmi n husband 9 years na kami kasal. Oo hndi mo maiiwasa ung mga away, pero nasa sa inyo naman un pano ayusin. Dapat din laging nasa center sa relationship si God and love for each other.

Magbasa pa

Yung asawa ko 😊 We've been together for 15 years, may dalawa na ding anak. Mula bf/gf hanggang ikasal wala talaga, minsan tinatanong ko siya wala ba sa work nya or minsan sa mga happy happy na wala ako. Ang sagot nya, madali lang lalapitan ng tukso ang lalake kung hindi niya palaging naiisip ang pamilya nya lalo na asawa nya. And never nya daw kasi nakita sa Father in law ko na nambabae or nagtaksil even once, always focus ang tatay nya sa kanila at sa mama nya.

Magbasa pa
5y ago

Blessed ka ma'am. Swerte nyo po sa asawa nyo. ☺️

Sa buhay mag asawa sis...sb ng mga matatanda is halos..pro not all...is nkakaranas nh ganung pagsubok...ang pambababe or panlalake...pro nasa atin pa din na magpartner how to handle it...kc hnd tayo perpekto..pro maswerte unh mga may asawang kht anjan ang tukso is nakakayanan nilang umiwas...basta lagi lang tyong magdasal mommy...na ilayo ang nag partner natin..tyo sa kht n anong tukso.....god is always there to guide us..

Magbasa pa
5y ago

So pano ung mga kerengkeng na nagpabuntis pa sa iba?

My husband cheated on nitong weeks lang nakikipag sex siya sa babaeng binabayaran niya at masakit buntis ako ngayon Nung nalaman ko gusto ko ng divorce ayaw niyang pumayag gusto niyang bigyan ng chance ginawa ko pero yung trust wala na matatakot ka kasing baka maulit ulit pero pag asawa kana ang dami mong magiging karapatan. Nature niya siguro tlaga yung mang babae kaya dapat strong ka.

Magbasa pa