Meron Pa Bang Loyal Husband Ngayon?

Hello po. Advice naman po sa mga matatagal na po magasawa jan. Like mga 10years pataas. Medyo natatakot lang kasi ako sa future namin ng LIP ko. Mag 1year pa lang kami pero balak na namin magpakasal. Parang iniisip ko lolokohin nya din ako after ilang years kasi ganon naman ata talaga nature ng mga lalaki. Nasa DNA na ata nila un. ?Recently lang, nahuli ko sya gusto nya kitain ex nya. Nabasa ko sa messenger nya. Umiyak ako at nagwala ako sa bahay dahil sobrang nakakainsulto sakin. Nakipaghiwalay ako pero sinuyo nya ko na di na daw nya uulitin. Pinagbigyan ko sya. Pero di ko na maalis sa isip ko na katagalan eh baka mas malala pa gawin nya sakin. Naagapan ko kasi eh kaya di sila nakapagkita. Iniisip ko din na baka mabored sya at dun na sya maghahanap ng kalandian. Di ko lang talaga maiwasan magisip na lahat ng lalaki dadaan sa ganong phase na mambababae. Minsan iniisip ko hiwalayan na lang sya. Kesa tumagal kami at lokohin nya lang ako. May husband pa po ba na loyal? Ung kahit tumingin sa iba di nya ginagawa? Ung never pa kayo niloko? Etong lip ko po kasi di sa pagmamayabang pero may chura po sya kaya lagi akong praning.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i feel you mommy, hindi rin sa pagmamayabang may hitsura din hubby ko at ang gaganda pa ng naging ex gf niya. medyo nakakaramdam din ng ganyan mommy pero think possitive lang ako kase ako na daw mahal niya. Di ko pa naman siya nahuhuli na may ka'chat pero sana wag nalang para di ako maparanoid 😊 for the second time mommy magtiwala ka ulit malay mo dis time di na niya gawin 🤔

Magbasa pa

dapat una palang bago ka magpakasal buo ang tiwala mo sa magging mister mo kase if puro hinala then ung lip mo pinapatunayan hinala mo masisira lang dn relasyon pero kung wala naman sya ginagawang mali magtiwala ka lang if talagang gusto mo sya pakasalan every relationship kailangan ng love trust and respect and thats the foundation para hindi ka matakot s mga susunod pang taon

Magbasa pa

Kung may pagdududa na sa isip at puso mo better na ireconsider ang pagpapakasal. Lifetime commitment yan eh. Gusto mo bang itali ang sarili mo sa isang pang habang buhay na relasyon na sira agad ung isang pundasyon? Maraming temptations everywhere. Ke babae ke lalaki pwedeng matukso. Pero kung mahal nila ang pamilya nila di sila gagawa ng ikasisira nito.

Magbasa pa

oo naman. ewan ko ba kung anong environment meron ngayon pero so far naman sa close friends and family friends puro loyal naman ang husband. I'm married din and walang issue sa loyalty between us. Hanapin mo yung guy na may prinsipyo sa buhay. Yung may dignidad at nag iisip. :) Hindi ung puro urges tapos sasabihin human nature

Magbasa pa
VIP Member

Siguro kung may doubt ka parin sis wag muna kayo magpakasal lalo kung may ganyan na nahuli mo. Mahirap kasi na hindi buo yung tiwala mo tapos nagpakasal kayo. SigKami kasi ni hubby since 2nd yr hs kami na 2007 pa. 😅 last yr lang kami nagpakasal and ever since wala ako naging problema sakanya regarding sa pambababae.

Magbasa pa

10% na lang Loyal and faithful na asawa. Sa side ng mama ko,ang mga lalaking napangasawa nila is matitino. Believe me mula sa Lolo ko, tito,Papa ko at asawa ng ate ko wla akong masabi. Naniniwala ang pamilya namin sa Karma. At sa more than 8yrs namin ng BF ko never akong nagkaroon ng worry. So if hnd ka 100% wag muna.

Magbasa pa

Expect the worst. Kung Hindi kaya wag mo n ituloy.. Kasi Hindi kna makakawala.. kilalanin mo p mabuti.. may iilan n loyal pero d lahat. Pag natapat sayo Hindi sorry k n lng.. Kung ayaw mo sakit Ng ulo wag kna mag asawa.. mas sasaya ka pag wala. Wlang sakit Ng ulo

Asawa ko po..loyal at faithful.!! Kya mahal na mahal ko..nmin ng anak ko na step son nia lang! Ngayun mgkaka baby na din kmi..17 plang kmi ..mg jowa na kmi. Nagkahiwalay at muling pinagtagpo! 😊😊😊..nkkakilig isipin! Marami pa pong lalaki ang matino..

VIP Member

Pray lang Mamsh wla po impossible s prayer lagi nkikinig si Lord pagnatutulog cya pagpray mo lng..

TapFluencer

Just trust him and always pray to God.. Dont worry too much that you cannot control.😉