50 kilos to 64 kilos.

Hello po. 31 weeks and 6days po and tumaas po ang timbang ko ng 5kilos. Last month check up kopo kasi 59kilos lang ako now po 64 na. Masyado po bang tumaas ang timbang ko? Wala po kasi sinabe yung ob ko nung nag pa check up ako e. Normal po ba?

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ok lang naman kung wala naman po sinabi si OB po na may prob sa mga lab results nyo. Ang tendency lang naman po nyan is mahirapan kayo manganak kung medyo lumaki kayo, or si baby, lalo na kung tinatarget nyo yung normal delivery baka po mahirapan kayo.

1y ago

Last lab result ko mi nung 5months pa ko hindi na ko nag lab result uli pero ok naman. Ngayon lang ako nag worry kasi nga bumigat ako gusto ko kasi ma inormal si baby

Related Articles