MALI PO BANG ILAYO ANG ATING ANAK SA KALARONG INAAWAY SILA?

May pinsan po yung anak ko na 4yrs old at yung anak ko ay 1 yr old turning 2 pa lang sa August. Pero yung pinsan nyang iyon simula ng dumating kami dito sa bahay ng biyenan ko lagi na lang pinag iinteresan yung anak ko. Sobrang dalang dala na ko dahil pasimple nyang sinasaktan anak ko habang naglalaro kahit pa nakatitig na ko. Buntis ako ngayon at hindi kinakaya ng utak at puso konyung stress pag nakikita kong nasasaktan at naasar anak ko ng paulit ulit.. Sobrang hyper ng bata na yun. Kaya para di masaktan anak ko ako na lang lumalaro sakanya.. at pinipigilan ko na siyang lumapit sa pinsan nya at kapag pinsan naman niya yung lumalapit nilalayo ko pa din siya. Hindi na po kasi normal.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas okay na nilayo mo mommy. Baka din kasi gayahin ng anak mo akalain nya na tama ginagawa sa kanya ng pinsan nya at baka gawin nya din sa ibang bata na makakasalamuha nya. Ganyan kasi anak ko kaka 2 years old lang inaaway din ng pinsan then napansin ko nagiging mapanakit na din anak ko sa ibang bata kahit samin na matatanda kaya inilayo ko palagi ko kinakausap anak ko ng maayos pinagsasabihan ko yun umokay naman 😊

Magbasa pa