Toddler Hitting Phase

Yung pinsan ng anak ko nasa phase na nananakit, nanghahampas, etc. Yung laruan niya, di pwedeng hawakan ng anak ko, nagagalit siya. Yung laruan ng anak ko, ginagamit naman niya, minsan aagawin din sa anak ko. Madalas yung anak ko ang hinahampas niya, sa ulo pa nga. Siyempre, maiinis ako, naaawa ako sa anak ko, pumipikit lang kasi siya, di siya gumaganti. Pinsan ng anak ko: Boy (1yr+ old) Baby ko: Girl (1yr+ old) Baka meron sa inyong nakaexperience na nito, anong ginawa niyo? Sa anak niyo ha. Kasi yung sa pinsan naman, wala akong magagawa, yung magulang niya ang magcocorrect non. Ang sakin sana, ano ang pwede kong gawin sa baby ko. Ayoko kasi na mafeel ng baby ko na OKAY lang yung ginaganun siya, though alam ko naman na hindi iyon sadya nung pinsan niya, at "phase" lang ito. Thank you.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mamsh same na same po. pero mas malala dahil 4yrs old na po yung pinsan nya and ang baby ko 1yr+ pa lang.. kaya mas grabe yung pambubully na inaabot ng anak ko. Luckily madali naman sabihan yung anak ko. pag nakikita ko kung saan na patungo una pa lang binubuhat ko na palayo yung anak ko sa kwarto at ako ang kumakalaro sakanya.. Pag nasaktan at naasar yung anak ko pinapakalma ko siya at tinuturuan magpaubaya.. Trauma na kasi ako kasi ilang beses na napahamak anak ko dahil sakanya dahil pasimple niyang sinasadyang saktan anak ko..

Magbasa pa
Super Mum

Yung anak ko naman mommy 16 months old baby girl. Hndi ko dn alam san sya natutong mamalo, pnapalo nya kami ng daddy nya pag wala sya sa mood, I think napapagdaanan tlaga yung ganitong stage. Sa laruan naman nagseshare tlaga sya, mas gusto nya na may kalaro sya sa mga laruan nya hndi nya sinosolo lalo na pag andito mga pinsan nya niyayaya nya maglaro sa mga laruan nya. In your case mommy I think distance nlng po or kaya kausapin nyo ang magulang in a good way.

Magbasa pa

natural lng po yan pero pag hinayaan makakalakihan. dpt ung parent ng boy alam kng kelan hahayaan o kelan sswyin ang anak. ikw nmn po blang parent dn bntayan mo po para taga agap k kng skali. wg po nio alisan tingin mga ank nio bka mmya me masaktan n s dlwa kyo n parents na ang mag aawy

Ako po ganyan kami nalang po lumalayo at nilalayo ko din baby ko mas maganda kayo nalang po umiwas lalo na kung yung pinsan ay spoiled na wala sa lugar at hindi po nadidisiplina nang maayos 😊

Hmm mukhang spoiled po yung boy kasi ganyan din po anak ng ate ko nananakit tas gusto sknya lahat ng laruan. Dapat po disiplinahin ng magulang nya wag hinahayaan na ganyan. Lalaking masama ugali

Same po sakin. Magkasama ba kayo sa bahay mumsh? Kami kasi dati magkasama. Everyday ang stress ko noon. Kaya ngyon bumukod na kami. 6mos na ko stress free at may peace of mind. 😁😁😁

Natural Lang po Yan sa mga Bata Lalo na Kung mag Isa pa Lang..bka po Kasi na iispoiled NG magulang.. Ang maganda nyu pong gawin ay iiwas na Lang baby nyu para Hindi masaktan

VIP Member

kausapin mo parentsdin ng pinsan nya para at an early age maturuan na mali un ginagawa nya.or para mabawal nya mismo kapag ganun

Iiwas mo na anak mo mommy. Kwawa bka ma adopt nya akala nya ok lang. Ikaw nlang umiwas

Ilayo nyo nalang po si baby nyo mommy, kawawa naman. Medyo kakairita nga yung ganon.