Exhausted na!😫

Pavoice out po ng nararamdaman ko para sa byenan kong babae🤫. Only son nya po ang asawa ko and kasama namin sya sa bahay. Kapapanganak ko lang last month and dun nag umpisang mastress ako. Nurse po ako pero pinaparamdam ng byenan kong walang akong alam sa pag aalaga sa anak ko. 38weeks ang tyan ko nung nagstart akong uminom ng ginger tea kasi nabasa ko nakakatulong sya sa pag open ng cervix, pinagbawalan nya ako kasi nakakasama daw sa baby na nasa tyan ko and nung manganganak ako bliname nya ako sa pag inom ng ginger tea kasi yun daw ang reason bat nakapoops si baby sa tyan ko, mag 39weeks ang tyan ko nung nanganak ako. Normal delivery with a healthy baby girl. So hinayaan ko lang syang magsalita. Den sa baby ko naman, normal namang iyakin ang baby pero pinagkakalat nyang napakaiyakin ng baby ko, sinasabing negra ang apo nya, sinasabihan akong wag sanayin sa buhat ang baby ko kaya pag umiiyak si baby hinahayaan ko lang ng ilang segundo den sya tong agad agad naman kumukuha sa baby. Pagnagdede ang baby ko kasi halos every hour sya magdede sakin nung 2weeks si baby lage nyang sinasabihang wag syang dede ng dede at dumating na sa point na parang nagtampo na yung baby ko kasi may time na ayaw nya ng dumede sakin. May time na pinapagalitan nya pag umiiyak at sinabi pang itatapon nya ang baby ko, kahit sabihing pabiro yun dun ako nasaktan kasi di yun magandang biro. To think na first apo nya yun. Nung una pala ayaw nyang baby girl maging anak ko kasi pambayad utang daw. Baby girl po ang baby ko.

2 Replies

VIP Member

Sabe nga pagbaby girl daw ang unang baby pambayad utang daw kase chick boy ang tatay. Well... binasa ko lahat momsh at nastress din ako. Sa hirap ng pinagdaanan naten nung manganak, alam mo na prone tayo sa post partum at kung laging ganyan ang mangyayari... ang hirap momsh. Di ba magagawan ng way na makabukod kayo ni hubby? Para sa peace of mind mo na din? Di kase maiiwasan talaga na mapakealaman lalo’t sama sama kayo dyan. Para makadiskarte ka na din ng gusto mo para sa baby mo diba?

Yun lang. sana maging maayus din kayo ng mil mo momsh. Kausapin mo asawa mo bala sakali alam nya pwedeng gawin para di ka masyado Mastress.

hays kalungkot nman sitwasyon mo mommy.. lagi ka lang mag pray para gumaan pakiramdam mo at iopen mo lahat sa hubby mo kasi promise nakakagaan ng pakiramdam pag may nasasabihan ka.. Laban moms bawal mastress titigan mo nalang lagi ang anak mo at kausapin kahit di pa sya nagsasalita nakakalibang sya at ang sarap pa sa pakiramdam..😊

aware po yung asawa ko kasi kahit sya sakal na sakal na sa pangbaby sa kanya ng nanay nya. nag iisang anak kasi, mag33 na si hubby pero wala syang freedom. ayaw nya namang sawayin nanay nya kaya pinagpapasensyahan na lang namin.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles