ML o Ako?

Pasok naman to sa uso diba? Wala lang, gusto ko lang magshare. Kami kasi ng partner ko unti unting nasisira dahil sa larong yan. Halos hindi na kami makapag usap ng maayos. Sa gabi halos puyat kakalaro, sa umaga hanggang tanghali puro selpon naman ang hawak. Mag uusap man kami patungkol lang sa mga utang or sa ibang bagay. Wala kaming napag uusapan maliban doon. Haaaays 😞 Nasa point nako na wala na kong pake sa laro niya sobra na... ayoko na, sawa nako kapapa alala na "tama na yan" "tigil mo yan" "kami naman" AKO naman" . Basta andon nalang ako sa wala nalang sakin lahat. Poker face ako palagi kapag kausap niya. Wala nakong maramdaman iba. Anak ko nalang kausap at kalaro ko palagi. 🥰 Minsan sumama sama sama siya sa paglalaro pero hindi ko na naaappreciate pakiramdam ko nagpapansin lang. Kayo? Anong kwentong ML niyo? 🤔

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

isa din sa mga issues ko nun sa asawa ko yan momsh. yung husband ko kasi aside from ml, nag bi build din syang gundam and gumagawa din ng art toys. then nung napipikon nako kaso wala na syang time samin ng anak namin , ginawa ko di ko sya pinapansin, di ko inaasikaso, di ako sweet sa kanya and di ako nakikipag makelove. 😂as in talagang walang kibuan ganon. ayon nakahalata yata sya na mismo bumawi samin. binawasan nya na yung routines nyang yon pag weekends. try mo sya kausapin momsh. baka makuha pa sa usap. bago dedmahan 😂

Magbasa pa
VIP Member

Nakakaaddict kasi minsan ang games mommy. Lalo na yang ML na yan. Hayaan mo nalang sya at mananawa din yan. Actly ganyan din si hubby ko dati panay ML. Minsan pinapanood ko nalang yung paglalaro nia. Pero si hubby naman alam nia ang limit nia sa paglalaro. Nakakapagasikaso at nakakapag alaga padin sya samin ni baby. Minsan din tinuruan nia ako. Ang sabi ko ayaw ko matuto kasi baka mawili ako. Mahilig din kasi ako sa games before ako magka baby. Hehe. Ngayon ako na naglalaro. Si hubby sawa na iba naman ngayon ang pinagkakalibangan.

Magbasa pa