Feeling lonely

Hi mommies wala akong malabasan ng sama ng loob ko halos ilang linggo nakong ganto at wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko samin dahil wala namang interesadong makinig.FTM here and 14 and 5 days na po ako ngayon. Ako lang ba yung nakakaranas ng ganto or kayo din? Halos mag 4years na kami ng partner ko maayos naman relasyon namin noon pa as kahit mag kaaway kami hindi tumatagal ng isang araw yung tampuhan namin. Pero netong nabuntis ako napansin ko na nag bago na sya bukod sa puro negative naririnig ko sakanya madalas nya kong ikumpara sa ibang preggy at ngayong halos isang linggo na kaming hindi okay pilit ako nakiki communicate sakanya at i update pa din yung nangyayari samin ng anak namin pero puro seen lang. Halos na de depress nako sa ginagawa at pinaparamdam nya. Bigla syang nanlamig at nagbago sakin. Nag o open ako sakanya ng mga nararamdaman ko pero hindi nya pinapansin. And ngayong araw nag message ako sakanya na nahihirapan nako sa sitwasyon ko dahil pakiramdam ko walang nakakaintindi sakin. Para bang mag isa lang ako. Pero wala pa din syang pake Tinakot ko nga na lalayo nalang kami ng anak nya pero Wala pa din. Ang sakit lang kasi kung kelan nag ka anak kami tyaka pa sya nag bago. Naranasan nyo din ba to?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, find time po para makapag usap kayo ng personal one on one po. para po masabi ninyo lahat ng nararamdaman po ninyo. If hindi pa din po nag work ang ganitong sitwasyon Moms, need mo po mag focus sa pagbubuntis mo po kasi baka maka apekto kay baby emosyon po ninyo. Laban lang po. sending hugs 🤗

Magbasa pa
VIP Member

Hello. LDR po ba kayo?