Utot

Parang ewan yung asawa ko. 4 years na kami at may tatlong mga anak. Marami na rin kami napagdaanan. Pero pag umuutot ako, parang ikakamatay nya. Sina-sanitized nya yung buong kwarto, nag sasaboy ng alcohol, nilalakasan yung electricfan, ganun palagi. Minsan lumalabas talaga ako para di sya magalit. Kaso minsan hindi ako makalabas dahil nagpapadede ako ng baby namin. Alangan naman pigilan ko eh masakit sa tyan. Tsaka normal naman sa tao yung pag utot. Nakaka insulto lang parang meron akong virus para ganunin nya. Nakakasama ng loob. Tapos sa tatlong anak namin, syempre pag buntis palagi ka rin umuutot. Nagagalit sya sakin. Tapos ineexplain ko sa kanya na wala ako magagawa ganun pag buntis eh. Nagsosorry din ako. Wala, nakaka inis lang. Akala mo naman kung sinong anak ng may ari ng downy! Nakaka bwisit. Yung ibang mag asawa nga naguututan pa eh. Ang arte arte nya. Tsaka sya nga, ilang beses na naka poop sa salawal dahil masama tyan nya. Ako pa naglalaba. Never ko pinakita sa kanya na nakakadiri kahit kadiri talaga. Umuutot din sya pero di ako ganun sa kanya. Ever since ganun sya sakin. Nakaka inis. Napaka matapobre.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Oa naman ng asawa mo sis. Hahaha. Sa kanya mo palaba salawal nya pag nataihan nya. Kamo nakakadiri. Hahaha charot. πŸ˜‚

3y ago

Hahaha. Very good sis. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚