Sinisisi din ba kayo ng family members nyo dahil sa bad behavior ng anak nyo?

Hi mommies! I’m a single mom and have a 4 y/o daughter. I live with my family and i don’t have a yaya for my baby. Madalas akong magalit sa kanya lalo na pag nagiinarte sya. For example, manghihingi sya ng tubig tapos pag di nya gusto yung basong binigay ko di nya iinumin papapalitan nya pa or gusto nya iba pa yung maghuhugas sa kanya pag nag poops sya kahit pwede naman ako. Konting bagay iiyak. Sobrang nagwoworry ako kasi parang nagagaya na sya sakin, sumisigaw na rin sya and namamalo minsan. I understand yung negative effects pero di ko talaga mapigilan yung inis ko minsan. Napaka short tempered ko na. Dagdag pa yung mga comments ng family members mo na kaya lumalaking ganun daw yung anak ko dahil sakin. Makita lang ako na nag cecellphone o nagnenetflix parang pinapalabas na pinapabayaan ko na yung anak ko. Lalo tuloy akong naguguilty at minsan napapaiyak na lang kasi parang walang nakaka intindi sa nararamdaman ko 😭

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Siguro sa pagiging maarte sa food lang pero hindi naman sisi kumbaga may linyahan lang na 'kanino ba nag mana yan'? ganon.. ako yung tipong strict sa anak pero lahat ng Do's and dont's inie-explain ko, at pag may tantrums nagagalit ako with explanation pero walang palo, so far naging maayos naman ang pag laki ng anak ko at yung pag iinarte nya minsan tinatago na lang nya kasi alam nya pano tumaas boses ko 😂, try to talk to your daughter lalo na pag umaattitude sya kasi pag hindi masasanay syang ganon, dapat makita nya na nagagalit ka at mali yung ginagawa nya.

Magbasa pa
1y ago

Thanks sis! 😊