Papaano kayo nag ligawan ni hubby? Palagi ba kayong nagsusulatan dati? Pinagpapatuloy niyo pa rin ba ito para maglambing?

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

parang mag barkada lang nung una wlang pa cute effect😁 lagi kming mg kausap ska nag shashare ng idea sa isat Isa. nag tatanong Kasi siya ank Magandang negosyo that time.. humihingi siya feedback. tapos Yun na naging close Kmi. kwentuhan magdamag. tpos pinag luluto Niya ko pumupunta siya sa tinutuluyan ko.. nag tatravel din habang nanliligaw siya. same pa rin maliban sa travel .. purpura Kmi ngayon 😂

Magbasa pa

kajamming ko siya sa ktv box. mahilig kami pareho sa pagvivideo K. walang ligawang naganap.. nadevelop lang kami pareho sa isat isa. through song ang way namin magparamdam ng feelings. mas naging malambing pa siya ngayong mag asawa kami. puro short letter/quotes ang palitan namin dati. wala pa kasi kami CP pareho that time. 11years na kami ngayon with 1 baby and 1 angel.

Magbasa pa

We started as friends 2004, kakalipat ko lang sa office nila, eating buddies. 2007 pareho kami na broken hearted sa mga relationships namin. Wala na masyado kami ligawan although marami kaming sulatan, notes, kasi ayaw namin ipaalam sa office so para kaming mga batang secretly nagpapasahan nang notes 😁 2009 officially kami na. 2012 kami nagpakasal.

Magbasa pa

Clanmate. 🤣 Pero magkaaway talaga kami. walang araw na di kami nagbabangayan. pero syempre di nya ko kayang awayin ng sobra, crush pala niya ko e. 🤣 tapos walang tulugan na kwentuhan kapag nagkabati. joker kasi siya kaya yon pumayag akong magpaligaw hahaha. 🤣 3yrs and counting na kami. Magkakababy na rin. 😅 Away-bati pa rin kami until now.

Magbasa pa

Before sya pumasok sa work, dinadalhan nya ako ng kung ano anong food para baon ko for the day. Minsan mga before 6am nasa bahay na sya. Tapos sinusundo din nya ako sa hapon. Now na mag-asawa na kami, pasalubong naman tuwing hapon ang dala nya para merienda ko kinabukasan sa work.

8y ago

Wooooooow ang sweet niyo! <3

Sa bahay ako nagpapaligaw.. pinagluluto niya ako ng food at dinadalahan ng something lalo pagumuwi siya sa province nila.. hatid ako madalas sa bagay, hindi lang niya inihahatid kapag sobrang pagod na sya from work at maglalaba siya. Magkatext kami madalas.

Naku, walang sulat sulatan. Uso na kasi ang cellphone so more on calls and SMS na lang. It was quite too fast, hindi na pinatagal pa bago naging kami hehe. We don't get to do it now kasi we're both too busy with work and taking care of the kids.

Wala masyadong typical na ligawan. More on dining out lang and hinahatid at sinusundo nya ako everyday sa work. He's from Pasig and he'll travel to Makati every morning and afternoon para hatid - sundo sa work.

More on texting kami halos dna ntutulog tapos ppunta sya dto sa bahay kwentuhan tawanan me dalang kung ano2 mga paborito ko. At ssunduin nya ko after work☺️

Para lang kami mag Tropa ..Magturingan..Lagi syang Pumupunta sa bahay . araw araw😅 .. At Ganun parin kami hanggang ngayon. Kung ano kami from the start .😊😊