LIGAWAN TOPIC

Matagal na ligawan o naniniwala kayo na di nadadaan kung gaano katagal ang ligawan? Ano ang pananaw nyo sa ganitong usapan?

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po, accounting supervisor ko sya sa work (although 3 yrs lang gap namen) then may gf sya nun umpisa. Nun first year ko sa work kong un, di kame close kasi nga visor ko sya. Work relationship lang kame. Hanggang sa nagbreak sila ng gf nya then saka sya nakipagkaibigan sa amin mga kaofficemates nya. Siguro tinagal din ng friendship namen e 3 yrs hanggang sa bumalik na sya sa probinsya nila sa visayas at dun na nagwork at ako lumipat na ng ibang work. Tuloy pa rin friendship and communication namen hanggang sa dumalaw sya sa mga friends nya dito sa manila. Dun na nangyari. Ako una nyang pinuntahan, 5 days sya dito sa manila, un na din un duration ng ligawan namen πŸ˜… Going strong pa rin, mag 3 years na kame and a baby coming our way (18 weeks πŸ‘ΆπŸ»). Madaming nagtaas din ng kilay sa amin dalawa, na kesyo di kame magtatagal kasi walang ligawan naganap or meron man days lang hahaha. Pati mama ko nagalit kasi harot ko daw hahahaha πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ pero happy na kame where we are right now lalo na darating na un bundle of joy namen. Although may struggles, (we are living together and planning to get married this august or september) pero as long as mahal namen ang isa't isa, we will survive with God's grace. ❀️

Magbasa pa

Nasa tao pa rin yan kasi iba iba ang pag iisip ng tao yung iba gusto ng matagal para malaman ung tunay na ugali ng makakasama nila yung iba ayaw ng patagalin pa kc bago pa magligawan magkakilala na at ayaw na din nilang pakawalan pa minsan pa nga bubuntisin pa para d na tlaga makawala sa kanila. Pero mas maganda pa rin tlaga kung pinapatagal kasi kapag nasa worst part na kayo malalaman mo kung nandyan sya para sayo o wala, kung tutulungan ka ba nya o hindi. Dun mo kc malalaman kung totoo ba na mahal ka nya hindi ung basta basta na lng magmamadali pero kapag nandun na kayo sa part na yon biglang mawawala. Pasigurado lng din kaya kilalaning mabuti yung taong gusto niyo.

Magbasa pa

Hindi kasi ako fan ng matagal na ligawan eh. Kasi di mo naman makikilala ng lubusan yung lalaki kung manliligaw mo pa lang. Malalaman mo tunay na ugali nyan kapag magkarelasyon na kayo. Yung partner ko ngayon nagkakilala lang kami sa fb. Nagchat then nung pag uwi nya ng pinas nag meet kami. Tas nung tinanong nya ako na kung kami na lang daw. Umoo na ako πŸ˜‚πŸ˜‚. Dahilan ko naman kasi kung sya talaga para saken edi sya. Kung hindi edi hindi. Di naman sa proud ako pero nakakatuwa kasi sa dinami dami ng nanligaw saken dun pa ako hindi niloko sa hindi nanligaw. So depende na din siguro 😊😊

Magbasa pa

Gusto ko sana ung matagal kaso pag nahulog na din ako, sinasagot ko na e. Tho iilan lang din naman naging bf ko talaga. Tatlo lang din kaso ung dalawa dun ldr. Hahha. Tapos ito si hubby ung firsy ever na malapit, e nahulog ako agad kaya di matagal na ligawan. Mga 2mos lang din kami from nagkakilala. Tapos ung actual ligaw nya, 2 dates lang. Hahaha. And ilang pasyal sa bahay. Pero hanggang ngayon feeling ko nanliligaw pa rin sya. Lalo na pag may kasalanan. Hahah

Magbasa pa

We knew each other since we were kids. Became friends, saglit na ligawan (to be honest, parang ako ung nanligaw haha but I dont mind coz after namin ikasal parang everyday nya ko nililigawan), got married after 1 and a half year. Mag 7 years na kaming kasal this year with 2 kids. Wala yan sa haba ng ligawan. Ang importante ay ang haba ng pagsasama bilang mag asawa.

Magbasa pa

kami po hindi kami dumaan sa mahabang ligawan. unang meet plng namin prang antagal na namin magkakilala. subrang comportable sa isa't isa😊pero before namin magmeet txtm8 na kami. at dahil sa bestfriend ko kaya ko sya nakilala.. saglit lng ligawan na stage kami na agad. kasi subrang gaan ng feeling ko sa kanya.. ngayon anytime lalabas na baby namin πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa

Haha. Totoo naman yan. Kami kasi supermarket lang kami nagkakilala. I regular costumer kasi ako sa supermarket nayu e siya yung IT don ayun dhil medyo kilala nako ng mga tao dun one time nbanggit lang wala naman din ligawan didaw kasi siya marunong pero heto kami ngayun happily married with two pogibg baby😍😍😍

Magbasa pa
VIP Member

Hindi kme dumaan sa ligawan portiond ng asawa ko...ang inuna nmin ibuild is friendship,,,later on we entered bf/gf relationship, at first it wasn't easy we have both personal issues but we manage to survive, we got engaged in our 3rd year, got married in our 8th year, now I'm pregnant with our 1st baby... 😍

Magbasa pa

hindi nanligaw sakin hubby ko. we started out as friends kasi. hanggang magkadevelopan. tapos nung nalaman nya na magiging father na sya, sobrang excited nya. kaya wala naman yun sa tagal ng ligawan although kung di naman nagsimula as friends, maganda padin na may courtship para mas makilala pa isat isa..

Magbasa pa

Di ako believer ng ligawan stage.. Hehe kasi di mo nmn makikilala ung guy kpg nanliligaw.. Di pa un ung tunay nyang ugali.. Sinsagot ko agad ung guy kasi dun lng sila ngiging kumportable.. At dun ko lng tlga sya nkikilala.. Its trial and error nmn sa relationship.. Pwede magwork pwede ndi..