Panlalait....
Pano nyo hinahandle ang panlalait sa asawa nyo? Like na panget sya. Pag sa ibang tao galing, deadma pero may konting kirot saakin. Lakas din mang asar ng family ko lalo na mga lalake syempre yung mga babae di nila ipaparinig saakin. (Pero kasi di naman lahat saamin maayos itsura, may mga di rin naman pinalad pero lakas makalait eh) Nabasa ko kasi ang comment ng kuya ko dun sa dalagang anak ng pinsan namin na nasa early 30s na. Wag na daw syang masyado mapili pra makahanap ng asawa. Gayahin ako na di gwapo pero mabait at responsable. Nagcomment ate ko na bakit sinasabi mo ba na di gwapo si....? Sagot nman nung isa, bakit nggwapuhan ka ba sknya sis?😏 Sabi naman nung dalaga. Sige ko tawa sa comment ni tito. Nasaktan ako na parang ginawa nilang katatawanan ang itsura ng hubby ko. Ang malala pa dun sa fb nung ibang tao. Inaway ko sa group chat naming magkakapatid yung kuya ko. Masyado lang daw ako sensitive. Sensitive lang ba talaga ako? Mali ba ginawa ko na iconfront sya/sila privately tungkol dun? Di kasi talaga pisikal na itsura yung tinitingnan ko. Halos lahat ng magandang katangian nasa asawa ko na, medyo di lang talaga pinalad sa fes. Masakit sakin na ganun sinasabi sknya.