My father makes me feel i was a failure

Ako pala yung eldest saamin magkakapatid,no permanent work,als graduate for highschool,have a boyfriend na di rin nakatapos na hindi gwapo,at hubby ko na ngayon,at buntis rin ako now for 33weeks,alam nyo yung masakit kapag lasing sya lagi nya pinapadama na wala akong kwentang anak,at sabi pa nya sa mga pinsan at kapitbahay namin na,di sya interesado sa apo nya saakin,kasi marami naman daw sya apo sa mga pinsan ko,Alam ko naman na ayaw nya saamin eh,sana saamin nalang sabihin,huwag na sa iba,ngayon masakit yung tyan ko,sinabihan ko sya ni tanong kung ano yung nararamdaman ko,wala talaga.Masakit lang na sarili mong ama di ka mahal.nasa ibang bansa kasi mama ko kaya medyo kulang ako sa aruga ng isang ina.Nakakawalang gana mabuhay pag-ganito,Hirap kapag wala kang matawag na sarili mong bahay,kelangan mag-tiis sa lahat ng bagay.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa una lng yan na wala eka sya pakialam may kasabihan nga na "di matitiis ng magulang ang anak" ako nung nagbubuntis dami rin sinasabi sakin ng nanay ko una, pinag aral kita tas mag.aasawa ka pa ng mas matanda sayo (17 yrs gap) 2nd, pag nanganak ka di kita tutulungan sa nga gastos nyo mag.ipon ka 3rd, pagkapanganak mo dun kayo umuwi sa kanila wag na kayo dito wherein, ngayon magkasundo naman na si hubby at nanay dahil nakikita ni nanay na seryoso si hubby sakin then nung na.cs ako nag.oofer sya ng tulong dagdag sa panggastos (pero di namin kinuba dahil may ipon naman kming mag.asawa) at eto parin kami sa bahay magkakasama at aliw na aliw kay baby

Magbasa pa

mommy konting tiis nlng malalabas mo na si baby. Masama lang loob ng papa mo sa nangyari sayo kaya nasasabi nya un pero kapag lumabas na yang bata pakita mo sa kanya at ng bf mo na kaya nyo buhayin ung bata. Masakit tlga pero need mo magtiis kasi nasa poder ka nila. Iba iba tayo ng situation at problema,ako 15weeks pregnant at di p alam ng parents ko natatakot din ako ma disappoint sila pero alam ko naman na matatanggap nila. Di ko masabi din sa kanila dahil complicated ung status namin ng partner ko. Lahat ng sakit kinikimkim ko magisa..Kaya natin to!!!

Magbasa pa

naku una lang yan, ako nga napalayas, kesyo di pa daw kasal talik agad, landi, at kung ano ano pa, take note may trabaho na ako, at 25y.o na ako, kaso nga lang expected nila ung ate ko muna ang ma uuna. pangalawa kase ako. ngayon nakikita lang nila sa f.b ang baby ko, maka puri kala mo kasama ko sila sa hirap. ngayon gusto nila akong bumalik kesyo nag iisa pa lang apo nila, matanda na daw sila. 27 na ako, 28 na ate ko. ayaw ng partner kong ipakita baka daw di na ibalik samin, o ipakita sa side nya. ayaw kse sa partner ko ng magulang ko.

Magbasa pa

Be positive po para sa inyo ni baby. Don’t let the bad vibes hit you kasi kung ano po nararamdaman niyo un dn ang na fefeel ni baby. Minsan po ang mga tatay nkakapag salita lang ng hindi maganda pero hindi dn nila intensyon tlga ung mga nasabi. Kapag nakita niya na ung apo niya dun mo malalaman if mamahalin niya ba tlaga o ndi kasi once makita nila iba n ang feeling nun. Prang sa mga anak n nabuntis n hindi nila matanggap pero pag nanjan na super happy naman sila.

Magbasa pa

Mommy pray ka lang at kahit gano kasakit, wag nalang magtanim ng sama ng loob. Malay mo ganyan lang sya ngayon pero pag makita nya na si baby, lulunukin nya din mga sinabi nya. At malaki chance na maging blessing in disguise pa paglabas ni baby kasi dun kayo magiging close. Think positive lang, tandaan mo nalulungkot din si baby sa tiyan mo kapag malungkot ka 😞 about sa daddy mo, lagi mo lang tandaan na walang magulang ang nakakatiis sa anak.

Magbasa pa

Nagpapasalamat parin ako kasi supportive parin c mama kahit thru vc and chat lang kami nag-uusap.Ina lang talaga makakaintindi sa anak,at thankyou kasi may hubby ako na hindi pabaya kahit sabihin pa nila lahat ng masama,importanti masaya kami lalo na at may baby kami na healthy sa tummy ko.Thankyou sainyo mommies.

Magbasa pa

wag kang panghinaan ng loob sis kapit ka lang kay God isipin mong may baby ka wag mong dibdibin yan kasi kung anong nararamdaman mo mararamdaman dn yan ng baby mo better to talk to your mom or your partner para mailabas mo yan. stay strong sissy May the God bless you and your baby pray ka lang talaga😘

Magbasa pa

nakakasakit talaga yan, doble pa kasi buntis ka at nakakarinig ka nyan. But, come to think of it, may baby ka 😊 hindi ka nagiisa. You two are always together. Pag lumabas siya, wala ka nang ibang papakinggan kundi siya lang. Nakakahappy yun!

mahal ka nyan ng tatay mo hindi nya lng matanggap na failed sya sayu ksi ikaw ang panganay. pray ka lng lagi na matanggap ng tatay mo ang apo nya wlang imposible ky lord.. at maniwla ka lalambot yan ang puso nya pag mkita na nya ang apo nya sayu.

mommy lakasan mo po ang loob mo kailangan ka ng baby mo. always pray lang po sa ngayon siguro nagagalitang papa mo pero syempre walang magulang na matitiis ang kanyang anak. always remember that GOD is always there.😇😇😇