Ex ng partner ko

Palabas po ng Sama ng loob. Bat po ganun lahat ng pamilya ng partner ko lage nilang bukang bibig yung ex ng partner ko. Pinaparinig nila sa akin na nakapag tapos na ang ex ng partner ko naging professional teacher na tapos tinutulangan nya daw yung partner ko sa Pag aaral nya dati through financial.tapos nag tagal daw sila 8 years. Tapos kami ng partner ko wla pang Isang taon nabuntis nya ako. Kaya nagkahiwalay sila ng ex nya dahil sa akin... Tapos kinomfront pa ako ng mama nya na ayaw nya sa akin mas gusto nya yung ex ng partner ko. Ang hirap hirap po ng sitwasyon ko wala pang maayos na trabaho Partner ko palaging nanghihingi pa ng support sa parents nya. Hindi kasi kami nkatapos ng Pag aaral kasi nabuntis na ako ng partner ko. 6 months pregnant here....

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tatagan mo po ang loob mo sis para sa baby mo. Kung ano sabihin ng byenan mo palampasin muna lang po. Byenan ko sakin nun noong una baet baet pa sakin noon kasi nabibigyan namin magawa kada kisenas at katapusan pero noong di muna namin binigyan kasi malapit na ako manganak biglang nagbago ung ugale nya. Nanganak na ako nun hindi man lang ako inasikaso pinabayaan lang ako. Binantayan lang ako sa Hospital kasi babayaran sya ng asawako. Pamilya ng asawako pag tumulong at nakaalitan mo lahat ng naitulong isinusumbat sakin.

Magbasa pa