RANT! RANT! RANT!

Palabas ng sama ng loob mga mamsh. Sobrang gigil kasi ako dun sa nangutang sakin. Sobrang kapal ng mukha! Di naman kami close, kapitbahay lang sya ng kapatid ko pero bigla nalang nangutang sakin kasi wala daw silang panggastos. So ako bilang maaawain pinahiram ko agad, 500 lang naman ehh babayaran daw nya ng Tuesday. Then last Monday nag-chat sya sakin na babayaran na daw nya, so natuwa ako kasi napaaga at nagkusa sya. Pero biglang sabi nya pautangin ko daw sya ng 3k pagkaabot nya ng bayad. Wtf! Magbabayad sya ng 500 tapos uutang ulit ng 3k. Nanglulumo ako sa kapal ng mukha nya. Di ko sya pinautang, di rin nya binayaran yung 500 nung Tuesday. Nakaka-stress?

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kaya hirap talaga magpautang, meron din dito neighbor ko naghiram ng 1k buti nalang at wala akong cash dito sa bahay kaya diko na pautang at meron akong reason na wala akong pera na hawak kaya wala silang nagawa.. Meron din ako katrabaho na magchristmas party kami nun, naubos pera niya sa pagparebond pasalon at bili ng gown nung wala ng laman wallet niya tawag na sa akin kung pwede ko ba raw siya pahiramin dahil wala na raw siyang pera at nagagalit daw asawa niya dahil wala na silang pamalengke maghintay pa ulit magkasahod, sabi ko sa kanya, ako nga ako lang naglinis ng mga nails ko, hinde ako nagpasalon at nagrent lang din ako ng maisusuot na damit kc ayaw ko gumastos at wala akong panggastos, kahit meron naman sana ako pero mas pinili kong magtipid, diko nga pinahiram sasakit pa ulo ko maningil πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚! Ang hirap pa naman maningil! Kaya huwag po kayo magpautang basta basta lalo na kung sapat lang ang pera mo. Hayaan mo nalang ung 500 halata namang manloloko un kalimotan mo nalang para po d kayo mastress.

Magbasa pa