Hello. I think natrigger po si Mr. mo sa iyak ni baby.
Ako personally, nung naging toddler anak ko natitrigger ako kapag umiiyak siya may dahilan or wala.
Sabi nila ang triggers natin as a parent ay naguugat mula sa unresolved traumas natin as a child.
Nung bata ako, hindi ako pinapaiyak ng malakas, kapag umiyak ako mas lalo akong mapapagalitan or mapapalo. Kaya naman hanggang sa pagtanda ko tahimik parin ako umiyak.
Ngayon sa generation natin, well read or educated na ang mga parents at nalaman ko na normal sa toddlers na magkaroon ng big emotions. Maliit na bagay iiyakan nila ng sobra.
Paano ko na-connect sa triggers ko ngayon as a parent ang trauma ko as a child?
Dahil lumaki nga ako na hindi marunong magcontrol ng emotions ko in a healthy way, nacokontrol ko siya dahil natatakot akong mapagalitan or mapalo, hindi naman ako nagheal at hindi ko rin alam kung ano gagawin sa toddler ko na umiiyak.
Dahil alam ko na normal ang big emotions sa toddler, hindi ko dapat siya pagalitan or paluin. Perodahil gusto ko na siyang tumahan pero nahihirapan at nao-overwhelm na ako, dahil hindi ko nga alam paano magcope/handle ng emotions in a healthy way doon na ako nati-trigger.
Ngayon na nagdelve ako sa traumas ko para magheal at hindi ko mapasa sa anak ko, alam ko na kung paano ihandle ang big emotions niya. Patience, understanding, conversation, hugs, kisses and unconditional love. Minsan energy consuming kasi may sarili din tayong emotions na dapat i-cope at yung ginagawa ko sa anak ko minsan nahihirapan ako i-apply sa sarili ko, pero at the end rewarding knowing na you’re healing at the same time preventing yourself to pass your traumas sa anak mo.
Dapat aware po tayo sa mga traumas natin para alam natin paano tayo magrereact pag natitrigger tayo, para hindi rin natin mapasa yung traumas na yun sa anak or maapektugan ang kasama natin at the same time ay natututo tayo paano magheal.
Kaya advice ko pagusapan niyong dalawa yung nangyari heart-to-heart.
Magbasa pa
ig: millennial_ina | TAP since 2020