Umutang hindi nagbayad

Mga momsh naiiyak ako kasi yung kapitbahay namin nangutang tapos ako pa pina brg.kasi daw pinakalat ko na pokpok anak nya pinagmumura ko daw anak nya. Paano ko po gagawin yun eh hindi nga ako nalabas ng bahay namin kasi ang daming cases din samin😭 Tapos gusto nya magbayad ako 10k para bayad sa paninirang puri hindi daw nila nabenta yung mga tinda nila dahil nag eskandalo ako. Sabi ko asan ebidensya nya kung totoo eh hindi nga ako lumalabas tapos ang dami nya sinabi pero ako parin pinanigan sa brg.kasi mga chismosa namin kapitbahay minsan meron din pala sila nagagawang maganda ayun nagsipuntahan sa brg.sinabi lahat taong bahay daw ako napakabait ko daw tapos yung nagreklamo eh wala naman daw tinda lahat kasinungalingan lang daw. Tapos sinabi ko narin na sila may utang sakin. Ayun marami pa pong nangyare ngayon nag uwian kami sabi sakin. Mamamatay daw sya pero hindi na nya babayaran utang nya sa pamamahiya ko daw sa kanya. Mga momsh sya naman namahiya sa sarili nya parang nanay na turing ko sa kanya ang bilis nya ko lapitan kapag may kaylangan sila nangaylangan lang talaga ako ngayon kaya sinisingil ko sya.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yung kapitbahay ko nga eh siningil ko nung umaga kinagabihan pinuntahan ako sa bahay na parang ako pa may utang sa kanya na ibalik ko daw yung pera.akala tuloy ng mga bisita namin may utang ako na hindi ko binayaran nasermonan pa ko ng byenan ko saka ng mama ko kasi may salo salo dito samin kaya may bisita kami family ni hubby saka family ko. putek sabihan ba naman ako na ibalik yung puhunan nya at kaylangan daw nya yun.

Magbasa pa
Super Mum

Hays grabe naman yan momsh nkakaloka ang ganyang ugali ng tao. Wag kayong mag alala may diyos po na nakkita ang mga gngawa natin at alam mo naman sa sarili mo na hindi mo gnawa yun, mahirap sya kalimutan pero pray ka lang at tiwala lang wala kang dapat ikatakot kasi ikaw naman ang tama. Wag mo na sigilin ang utang ibaon mo na rin yun sa limot. I hope you feel better soon mommy ❀

Magbasa pa
VIP Member

Kastress naman yung kapitbahay mo momsh. Anyways, hayaan mo na ung utang nya. Di na talaga nya babayadan yun sa lahat ng nangyare. Lesson na din sayo na wag ka masyado magtiwala at magpautang kase napakahirap maningil talaga sa totoo lang.

Karma Is Real Mommy wag mona sya intindihin may araw den yang kapitbahay mo i swear βœ‹πŸ»πŸ€žπŸ» 😁