RANT! RANT! RANT!

Palabas ng sama ng loob mga mamsh. Sobrang gigil kasi ako dun sa nangutang sakin. Sobrang kapal ng mukha! Di naman kami close, kapitbahay lang sya ng kapatid ko pero bigla nalang nangutang sakin kasi wala daw silang panggastos. So ako bilang maaawain pinahiram ko agad, 500 lang naman ehh babayaran daw nya ng Tuesday. Then last Monday nag-chat sya sakin na babayaran na daw nya, so natuwa ako kasi napaaga at nagkusa sya. Pero biglang sabi nya pautangin ko daw sya ng 3k pagkaabot nya ng bayad. Wtf! Magbabayad sya ng 500 tapos uutang ulit ng 3k. Nanglulumo ako sa kapal ng mukha nya. Di ko sya pinautang, di rin nya binayaran yung 500 nung Tuesday. Nakaka-stress?

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku mumsh sakin nga puro kamag anak, buti sana kung ang sasabihin ay "hingi" hndi "heram". Kaya nga heram eh ibig sabihin need ibalik kaso juskuuuu mapapadasal kana lang, manganganak pa man din ako. Ang ending ikaw na nagpahiram pag sinigil mo tapos hndi sila makabayad parang ikaw pa masama, awa na lang tlga. Haaaaysss

Magbasa pa
6y ago

May mga ganyan din akong kamag-anak, yung iba talagang di na nagbayad. Maiinis ka nalang talaga lalo na pag inaasahan mo yung pera na ibabayad nila. Ang dami ko na sanang ipon kung marunong silang magbayad 🤦