hirap maging nanay...
palabas naman po ng sama ng loob bago matulog ? ganito po kasi yon, may pamangkin si hubby na naconfine sa hospital due to pneumonia. so dinalaw namin, si lo namin iniwan muna namin sa hipag ni hubby. okay naman sakanila gusto din kasi nila na nandon si lo. (magkakasama kami sa bahay, pati mga parents ni hubby) eh nakalabas na pala ng hospital yung dadalawin namin so pinuntahan nalamg namin sa bahay. medyo napatagal kami, siguro mga 3hrs kami nawala. pag uwi namin pinuntahan ko kaagad si lo sa kwarto ng hipag ni hubby, pero bago yun nasa sala si mil kaya nagmano ako then diretso sa kwarto nila hipag. sinundo ko si lo, nung papunta na kami sa kwarto namin nakita kami ni mil sabay sabing "kaya pala, umalis pala ang nanay" umiyak daw kasi si lo habang wala kami pero saglit lang naman daw sabi ni hipag. at hindi rin kami nakapagpaalam kay mil nung umalis kami kasi wala sya sa bahay. bakit ganon ang dating parang hindi kana mabuting ina, parang ang sama mo na porket nawala ka lang saglit? parang napakawalang kwenta ko na. bakit ang bilis nila mangjudge, lalo na kapag ftm ka ?