Stay At Home Mom

Long post ahead. Stay At Home mom ako. Simula nung nag buntis ako hanggang ngayon na 14 months na si lo wala akong work at simula nung nabuntis ako hanggang ngayon sa parents ko kami nakatira ni lip. Ebf din si lo hanggang ngaun. Nasa tyan palang si lo sinasabihan na kami ng mil ko na nakatira sa manila ma kukunin daw nila si lo sila daw mag aalaga etc. but since ebf si lo hndi nila mahiwalay sakin. Just last week nag start na ako mag work pero home based ang gy shift. Agad kami pinauwi para daw maawat na si lo at sila na mag aalaga. Ayoko man pero wala ako nagawa kasi we are struggling financially at si mil lang tumutulong samin sa mga bayarin. Hindi ako maka angal kasi wala nga kami pera hndi kami makaahon sa bayarin kundi dahil sakanya. Naiwan ako dito sa manila tsaka si lo kasi si lip hndi naman home based. Nagtae si lo nung binigyan ng formula pinacheck up namin at sabi ng dr. itigil ang formula. Hindi sanay sakanila si lo kaha igak ng iyak si lo. Sasama sakanila ng 2-3hrs. pero iiyak na at hahanapin ako kaya pag sumasama sakanila nilalayo nila sakin ayaw nila pakita sakin but that's not the case kahit hndi ako makita ni lo hinahanap hanap pa din nya ako. Ang gusto nila umuwi ako saamin at iwan na si lo sakanila which is ayoko. Naawa ako kay lo. Naintindihan ko naman sila pero hndi ko kayang iwan si lo sakanila knowing na after few hours iiyak nanaman ng iiyak si lo sakanila. Hndi ako maka angal kasi wala kami pera😞 kinausap ko naman si lip kaso nagalit sya hinayaan ko daw kasi sya mag work mag isa kaya ngaun walang wala na kami saka ako kumikilos ngayun hndi sya makaporma sa nanay nya dahil wala kami pera. Hindi din sure work ko kung pasa ba ako dun. I don't know what to do. 😞 #advicepls #momcommunity #1stimemom #mil

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Parang ang hirap mommy ng situation mo. Pero you are blessed with breastmilk at sa panahon ngayon... kelangang kelangan yan ng baby mo. Ang laking tipid din nyan mommy bukod sa mas healthy para kay baby mo. So sana di mo istop. If gusto ng mil mo na sila mag alaga, baka pwede ka magpump atleast si baby masasanay din sa kanila at the same time... mabibigay mo pa din yung kelangan ni baby. Normal naman din sa baby mangilala so naiintindihan ko din yung ginagawa nila na pagpinapadede nilalayo sayo. Maswerte ka, merong willing mag alaga sa baby mo para ikaw naman makapagwork din. Gawin mo na lang magagawa mo para kay baby mo at bigyan mo ng chance din mil mo na makilala din ni baby. Sana maging okay ka na din soon. Pray lang lagi

Magbasa pa
Related Articles