MIL

Nakakainis si MIL. Pinapakialaman kung anong gagawin ky LO tsaka kung anong dapat namin gawin. Example ayaw ko polbohan si LO kasi baka siponin/asthmahin/etc pero linalagyan niya parin. Sa parents ko kami nakikitira, bumibisita lang kami dun sa MIL ko minsan. Parents ko nga di pinapakialaman anong gagawin ko kay LO. Nakakainis lang kasi gusto niya kontrol niya lahat. Pati pag bisita namin sa kanila, eh pwede naman sya yung bumista samin, few blocks away lang naman yung layo. Mahirap naman sumagot kasi ako yung magiging kontrabida. Hays. Any thoughts mommies? #1stimemom

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku! Sinabi mo pa… same here… sbi ng pedia wag gamitan ang aceite ung bata… ska sabi dn ng friend ko na wag kc mainit daw sa katawan nung bata… pero lagi nilalagyan ung bata… lagi sasabihin may panuhot or lamig daw un bata sa katawan… basta umiyak or whatever e un na daw at lagyan daw ng aceite… hindi ba pwede na umiyak lng kc ayaw uminom ng vitamins? Yan tuloy ngka.dry skin or parang rashes sa likod ang baby ko… at un ang ginawa ko reason for her to stop na lagyan ng aceite sa katawan ang bata… tpos sbi ng pedia wag painumin ng paracetamol if wala pa sa 38.5 ang temp ni baby e 37.5 something e pinaiinom na… kpag ayaw mo e kung anu ano sinasabi at nkakairita na sa totoo lng… alam ko 1st time mom ako pero sna wag nila tayo kontrolin… ngppile up na ang stress ko kc like u hindi dn ako makasagot… ang hirap tlga pag malapit lng tayo ng tinitirahan with the in-laws… hindi nman madali lumipat kc ayaw dn ni hubby… saka magastos dn, etc… haiz! For now e dasal nlng tlga magagawa ntin…

Magbasa pa

advice ko lang, sabihin mo sa partner mo yung thoughts po. siya dapat ang kumausap sa mil mo para iwas conflict sa inyong dalawa ng mil mo. another thing, kung hindi mo po gusto yung inaasal ng mil mo better ipaalam mo sa partner mo yan at iwasan mo muna mil mo kung nagbibigay siya ng stress sayo. mas isipin mo yung peace of mind mo lalo nagaalaga ka ng baby.

Magbasa pa
VIP Member

Ano pong stand ni hubby sa mga nangyayari? Mas mabuti po siguro si hubby ang kausapin mo para sya ang magset ng limits sa mother nya.

4y ago

Nag usap na kami sabi ko kaming dalawa na mag dedesisyon kasi anak naman namin yung pinag uusapan. Wala eh, mama's boy. Pero pinipilit ko parin ipa intindi sa kanya.