In-laws issue ?

Hello mga momsh. Pavoice out ulit. Di ko keri tong mga inlaws ko lalo na si mil. Medyo mahaba to. So ganito, bumukod na kami kila inlaws after ilang beses kaming indirectly at directly palayasin, kasi sinasabihan kami na “nasa puder pa namin kayo, kung ayaw niyo sumunod eh lumayas kayo” tapos pag naghahanap na kami ng lilipatan, sasabihin naman “bat ba madaling madali kayong umalis, pinapalayas ba kayo dito”. So ako gulong gulo na ? Yung nilipatan namin is small apartment ng fil ko, so nung bumukod na kami, since maliit yung paupahan unting gamit at basic lang talaga nadala namin. And syempre bilang solo anak si hubby, isip namin na every weekend dun kami sa inlaws ko para makasama din nila apo nila. Kahapon umuwi si hubby para maglaba at kunin kotse para masundo kami. At ang inabutan ni hubby sa bahay ay ibang iba ng ayos ng room namin, may mga gamit na nilagay si mil sa loob na hindi naman namin gamit. Inshort kulang na lang gawing tambakan room namin. So si hubby ko medyo naoffend at sumama loob. Kinausap si mother niya. Etong si mil, palibhasa eversince eh galit sa hubby ko sa di namin malamang dahilan, naghisterical. Nagagalit kesyo daw kinuha na nga daw namin ang isang pinto sa paupahan ni daddy eh gusto pa namin meron pa kaming space dun sa bahay. Take note po, sinisingil kami ng renta dito at walang special rate. Nagkasagutan si mil at hubby. Si hubby kasi ang ugali niya once lang sya sasagot, pag di sya pinakinggan, di na sya kikibo and aalis na para wag na humaba ang diskusyon. Si mil naman ang ugali niya, dadakdakan ka, paulit ulit, nakakarindi at susundan ka kahit san ka gumawi sa bahay para dakdakan at sabihan masasakit na salita. In short, ipoprovoke ka para sumagot at pag sumagot ka, masama ka na sumbong ka niya kay fil. Ang sakin lang sige given di kayo magkasundo ng anak mo, tama bang idamay mo ang apo mo sa pagkadisgusto mo sa kaisa isang anak mo. Sinabihan ni mil si hubby na “pag iuuwi niyo dito si __, wag niyo na gagamitan ng aircon, kung kami nga naka electric fan lang eh minsan hindi pa” (according to our pedia, ang mga baby daw ay mas mainit ang temp kesa sating mga adults. Kaya pawisin si baby at iritable sya pag pinapawisan. So kami ini aircon namin sya pag tirik na araw para makapagpahinga at makatulog sya maayos) nung sinabi ni mil yun, napasagot ulit si hubby na “kung gusto niyo wag na lang dalhin dito si __” at ang kinagulat kong sagot ng mil ko “edi wag! Kami pa tinakot mo!” Grabe. Di ko kineri ang sagot. All along pala, pati sa apo, wala syang amor. Si fil ko, love na love niya si baby. Binibili pa niya toys kahit 9mos pa lang. si mil, wala at all. Yung binili niyang diaper worth 250 siningil pa sakin. Ang sama lang sobra ?? naawa ako kay hubby kasi sobrang sama ng loob niya. Evesince daw ganun si mil sa kanya. Kumbaga, nakatanim na kay hubby na ganun mother niya sa kanya. At sinabi pa niya na never daw niya gagawin o masasabi ang mga ganun kasakit na salita sa anak niya dahil anak niya yun kahit anong mangyari. Ang sama ng mil ko, yun talaga ang conclusion ko. Grabe ?? At ang ending po pala na ipinagsisintir ng mil ko, yung mana. Ang gusto niya pag andito na kami sa isang room na to, wala na kaming mana sa bahay na yun. Mga momsh, never namin naisip yang mga mana manang yan kaya nagulat si hubby ko. And come on, tama bang kumpetensyahin ng mil ko ang sarili niyang anak sa mana? Asan ang logic? Grabey

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di mo maiimagine na may mga nanay pala na ganyan. Ok kung ayaw sana nya sa anak nya sana wag idamay yung apo nya, walang malay yun. Inosente yung bata. Buti na lang bumukod na kayo.

5y ago

Imagine, ac pa lang yun pinagdadamot na.

Wow grabe naman po ugali ng mil mo. Parang di niya anak hubby mo kung makaasta siya. Ano sabi ng fil mo

5y ago

Wala po. Yun prob kay fil, di magrule pag sumosobra na si mil. Kinukunsinti pa niya. Ang dahilan nila ay solong babaeng anak daw kasi kaya spoiled. Tama po ba yun?