๐ฉ๐ฉ๐ฉRED FLAGS? ๐ฉ๐ฉ๐ฉ
Palabas naman ng saloobin mga mamsh! ๐ Patagal ng patagal mas nakikita ko red flags sa LIP ko. Di ko tuloy alam gagawin ko naglalaban yung puso at isip ko. May 3 months old na kami na baby, pero di ko man lang sya nakitaan ng effort maghanap ng trabaho, parang nakikita ko kuntento na sya sa ganito kasi alam nyang tuwing uuwi ako sa amin naabutan ako ng mama ko and nabibili na mga needs ni baby, nakikinabang na din sya sa bigay ng mama ko, like nung pauwi kami may natira akong pera sabi nya kanya na lang daw kasi mabibigyan naman daw ako pag uwi at hingi daw ako para pampadentist ko para mailibre ko din daw sya sa dentist namin. Currently staying kami sa side nya, simula nung nanganak ako halos wala siya naimbag bukod lang sa ginastos namin sa hospital. Pero the rest mama ko na lahat gumagastos, kahit andito kami saknila, mama ko nag proprovide ng pambili ng mga gamit at diapers ng baby namin pati pambudget ko pag may gusto ako kainin ganun. Pag mag papasukan dun na ako sa amin, kasi mama ko magpaparal sakin. College student nako pati choice ko sa school pinapakielaman nyanako dahil gusto nya sknila ako mag stay. Gusto ko na umuwi talaga sa amin hindi lang dahil mas kumportable ako at nabibigay needs namin ni baby pero para lang din matuto sya magbanat ng buto. Advice naman po ano po ba dapat ko gawin? #1stimemom #theasianparentph #pleasehelp #firstbaby #advicepls