Selfish ba talaga siya or OA lang ako?

Hi mga mamsh! Please hear me out po, may 4months old na baby po kami. Napapansin ko po palagi na tuwing nagigising o nag iiyak si baby sa gabi or kahit hapon naiinis LIP ko, maingay at maarte na daw si baby. Hindi naman kasi kaagad napapatahan ang baby di ba? Patagal ng patagal lumalabas ugali ng LIP ko, sobrang dalang nya lang ako tulungan kay baby and take note wala po siyang trabaho nakikitira lang kami sa kanila, e gayunpaman kahit andito kami mama ko pa din nag susupport sa akin at baby ko(From diapers to essential needs) so ayun na nga pag andun kami sa amin pinapadali nyaa kami ng uwi saknila sa totoo lang ayaw ko na umuwi sakanila kasi di naman nya ako natutulungan at parang others ako kahit anong approach ko sa kamag anak nya and bukod dun mas nagiging tamad siya di man lang magsikap maghanap ng trabaho. Ngayon naman gusto ko sana magpamassage dahil pagod na ang katawan ko kabubuhat kay baby may scolio pa ako, pero sabi ng LIP ko siya na lang daw magpahilot dahil masakit din katawan nya at siya na lang ang maghihilot sa akin para makatipid daw kami. Naiinis ako kasi iba yung pagod ko sa pagod nya. Hindi biro mag alaga ng bata. Eto pa napapansin ko tuwing may family matter kami ni mama tapos nalaman nya parang dinodown nya si mama like "kilala ko si tita, tipid yun pag dating sainyo pero sa jowa at family jowa nya maalwa sya" oo alam ko naman na may issue din ang mama ko may mga desisyon sya na medyo baluktot pero between samin na yun at sino siya para ijudge ang mama ko. Actually willing ang mama ko tulungan sya maghanap work at gastusan sya dahil di naman na siya iba kaso sabi ng LIP ko nahihiya daw sya at mahirap na daw magkautang na loob. Iniisip ko naman para din naman saknaya at sa amin yun kasi family na kami e need na mag ipon. Sa totoo lang d ko alam pero patagal ng patagal natuturnoff ako sa ugali nya. Si baby lang talaga iniisip ko. Parang gusto ko na lang magsakripisyo at ako na lang magtratrabaho tutal wala naman ata syang balak.. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #firstmom #problemamagasawa #randomtalk

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo mi? yung ganyang klaseng mindset ng isang lalaki, wala kayong kinabukasan ng baby mo. Ako nga expected ko sa LIP ko, tamad, walang pakialam pero nung nalaman namin parehas na buntis ako, araw mismo nayon nag apply sya ng trabaho, lumuwas para sa mga interviews at ngayon 14 weeks nako preggy, 14 weeks nadin sya sa trabaho awa ng dyos sa pagtatyaga nya mag apply araw din na yon kinabukasan pinapasok na sya. Ang lalaki mi if sincere at gusto kayo bigyan ng magandang buhay ng anak mo, kahit di ka mag salita kahit di mo utusan, gagawin ang lahat ng makakaya nya. Tho pwede mo naman sya kausapin mi, sabihin mo mga rants mo sakanya na hindi na sya binata para umasta ng ganyan. Pati pag iyak ng bata kinaiirita nya? yung iba nga dyan sa totoo lang nangarap magkaroon ng isang anak, maswerte sya isa sya don pero ganyan asal nya? nakakahiya. Dapat alam nya ang responsibilidad nya sainyo ng anak mo dahil hindi biro ang mag alaga ng isang sanggol. Kung ako asawa nyan, sinampal ko na ng katotohanan. chariz. cheer up mi, if kaya magbago nyan mababago pa yan basta tulungan nya sarili nya na pagsikapan kayong mag ina nya. Pero mi, PAG AYAW MAG BAGO NG LIP MO, MAG BAGO KA NG LIP!

Magbasa pa
3y ago

Well-said, mi! Silent reader here and currently struggling sa LIP ko. Kakagaling ko lang umiyak kagabi at parang gusto ko ng magshutdown. Almost 3 weeks na kami di nagkikita and wala man lang sinasabi o paramdam na uuwi sya o magsabi kahit plano man lang kung anong balak nya. Pareho kaming walang trabaho at the moment at nasa kanya-kanyang poder muna ng pamilya para wala din kaming iniintindi at iniisip. Mahirap sobra kasi iba pag magkasama kayo. Iba yung presensya—ramdam mo yung suporta (morally and socially). Tapos I even caught him following women sa social media—yan lagi pinag aawayan namin. Babae. Nakakapagod na. Kung emotional na ako dati, mas dumoble pa ngayong pregnant ako. Never ending insecurities. Nilalabanan ko almost everyday pero dumadating sa punto na you feel something strange and different. Malakas instinct natin mga babae kaya hinding hindi ako maloloko. Kaya I always pray na lang and leave it all to God. Light and love. ✨

thank you po sa lahat ng replies nyo, kakausapin ko siya regarding dun kasi baka akala niya na okay lang na di siya gumagalaw kasi di ko naman sinasabi o pinapakita na di okay yun, nahihiya tuloy ako dito sakanila kasi nakikitira na nga lang kami wala pa siyang naiaabot kahit man lang pandagdag sa bayadin or pang grocery minsan. uuwi na muna kami sa amin ng baby ko. nagiging dahilan nya kasi kami pag di sya nakaka apply or nakakasideline, laging "wala kasi kasama mag ina ko" "mahihirapan kasi gumalaw wala ako" e alam nya naman na kaya ko gumalaw kahit wala siya dahil halos wala naman ding tao sa kanila tuwing umaga at halos ako lang naman din nagalaw nag aalaga ng bata. ampaget tuloy ng tingin sakin, muka tuloy akong walang alam sa bahay kadadahilan nya sa mga kamag anak nyang ganun, just to cover up na tamad talaga sya. dadalain ko lang baka sakaling gumalaw sya pag wala kami at mawalan na sya ng alibi.

Magbasa pa

naku ang hirap naman nyan sitwasyon mo at lip mo mami, ako 19 yrs old nabuntis and 18 yrs old lang si lip ko super blangko ako palagi that time kasi sino magsusustento ng lahat ng needs ko simula magbuntis till manganak diba akala ko tamad si lip kase only child at tutok sa barkada but mali ako, nung nalaman nya preggy ako kung ano anong trabaho pinasok mapaconstruction, extra magkarga ng parcel, mag stay in sa maynila construction din basta lahat ng pwede mapagkunan ng income pinapasok nya para may mabigay sakin pampacheck up and vits namin ni baby and thanks god stable job na sya sa 2GO express and kabwanan q na ngayon hehe lahat ng needs namin ni baby galing sa pagod nya kaya ikaw mami advise ko lang kausapin mo maayos si lip kung ano plano nya para sa family nyo po

Magbasa pa

tamad yung asawa nyo in short. umuwi ka muna sa mom mo sis kasi hindi pa yan tapos sa buhay binata kaya walang pag kukusa. same tayo ng sitwasyon. mas gusto ko sa mama ko kasi may kapalitan ako mag alaga tsaka sakitin talaga ako. nakikiusap rin ako sa kamag anak nya na iwanan ko saglit anak ko para bumili ng needs nya since nasa puder nila ako kaso puro excuses rin pero pag may handaan anak ko grabe humakot ng pagkain after non biglang mawawala na parang hangin. balasubas. anyways, dapat tulungan naman yung asawa ko pag di ako tinutulungan makakatikim sya sakin tsaka pinaranas ko sakanya kung ano experience mag alaga ng baby eh alam nyang di madali kaya nadala na. wag ka na mastress sis baka mabinat ka nyan.

Magbasa pa

hi ☺️ para sa opinyo ko lang to momshie kung yung asawa mo eh priority kayo ng baby mo gagawin nya lahat para sainyo pero kung buhay binata pa din sya ayy kailangan mag isip ka na wag mo sya sanayin na hindi mag work para sainyo ni baby . kung ako sayo bigyan mo sya ng isang karanasan na sya mismo ay gugustuhin mag sumikap para sainyo dalawa .. di ko sinabe na hiwalayan mo sya kase kung mahal mo naman at tinitignan mo yung para kay baby what i mean is umuwi ka muna sainyo then wag ka babalik hanggat di mo nakikita nagsusumikap sya kase kung ayaw nya kayo mawala sknya gagawan nya ng paraan yan para bumalik lang kayo magina nya .. ☺️

Magbasa pa

Same with the first comment, I think mas okay na 'dun ka po muna sa mother mo, for peace of mind na rin. Mahirap 'yung pagod ka na physically, pagod ka pa mentally and emotionally. Based po sa kwento niyo, wala naman po kayong nakukuhang support from him in any form, aside sa pagtira niyo sa bahay nila. Mukhang mas makakapag-focus din po kayo kay baby and sa sarili niyo 'pag nandun kayo sa mother mo, mas makakakilos ka pa.

Magbasa pa

hiwalayan mo na partner mo. kawawa anak mo pag ganyan klase ang ama. ni hindi sya makitaan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa anak. umiiyak na nga yung bata tapos sya pa ang galit? e di wow. isipin mo lagi kapakanan ng anak mo. buo nga ang pamilya, walang kwenta at batugan naman ang ama. napakasamang ehemplo. uwi ka na sa inyo kasama baby mo. wag na wag mo ibibigay ang bata sa walang kwentang ama.

Magbasa pa
TapFluencer

Red flags mommy. A bunch and a lot of red flags. Explain mo po sa kanya na sa pag-iyak lang nakakapagcommunicate ang mga babies. (Hay gosh naiinis ako sa partner mo.) Leave na mommy! Hindi worth it ang salitang “ayaw ko kasing lumaki sa broken family anak ko”. Dapat nagtutulungan ang magpartner regardless the pagod o trabaho. Ang mga babae o nanay, walang day off. Sila meron. 🚩🚩🚩

Magbasa pa

Ganyan din ang nangyari sa akin. Same tayo ng sitwasyon. Kaya nagdecide na din ako umalis. At bumalik sa pamilya ko. Dahil di nya maibigay ung pangangailangan ng anak nya. 10 months na baby ko ngayon cs ko sya pinanganak and 4 months din ako buntis sa 2nd baby ko. Hindi nya kami inaalala. Mas inuuna nya barkada and ung Bsketball kaysa maghanap ng trabaho.

Magbasa pa

uwi ka muna sainyo mii . less din yan sa problema mo. kung may pakialam siya sainyong mag ina niya baka makapag isip isip yang lip (sana) mo na maghanap ng trabaho pag iniwan niyo na . comfortable pa yan na di mo iiwan pag di mo pinatikim ng leksyon