strees
Hirap ng ganito.... Dito ko nalang ilalabas sama ng loob ko... Lagi nalang kami nag aaway ng mister ko, kasi daw napaka tamad ko di man lang niya alam na minsan sumasakit ulo, likod pati tyan ko di ako maka galaw masyado kasi laki tumitigas tyan ko sabi niya di ko daw tinutulungan mama nya sa gawaing bahay di nga niya nakikita ako lagi nag lalaba ng uniform nya sa trabaho... Di ako sanay mag kamay mag laba pero sinasanay ko kasi magkakanak narin kami subrang hirao pag wala ang mama ko... Kasi kahit nabuntis ako ng maaga inaalagaan parin ako ng mama ko ayaw nga nun mag trabaho ako kasi madali lang ako magkasakit diko alam kung bakit kahit kunting galaw ko lang sumasakit na likod ko... Kahit na alam nyang buntis ako araw araw nya akong pinapaiyak😠nag usap kaming dalawa tungkol sa mama at ate nya na pinag tutulungan ako... Hindi physical pero pinag tutulungan ako ng masasakit na salita kahit kailan diko manlang naranasan na ipag tanggol nya ako.. sabi nya sakin "syempre magulang ko yun, mas papaniwalaan ko yung side nila" kahit nga 500 pesos hindi nya ako binigyan pang bili ng gamit ng bata mama at ate ko lahat gumastos para sa baby ko... subrang sakit lang isipin bakit napunta pa ako sa ganitong klasi ng lalakiðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ kaya nag desisyon nalang akong di ipapa apelyedo sa kanila ang anak ko pag labas nito... Makikipag hiwalay nalang din ako... Supporta lang hihingi ko sakanya para sa anak nya... Bahala na sya kung maghanap pa sya ng iba